15/05/2026
Congratulations, Santa Cruz Netizens! ๐๐
Narito po ang tatlong nanalo ng โฑ1,000 bawat isa sa ating palarong:
โBakit Importante ang Katapatan ng Isang Leader?โ
AGREE po ba kayo sa kanila mga kabarangay, gusto po namin kayo marinig. ๐
Sa nalalapit na pagtatapos ng voters registration, malinaw nating narinig ang mga boses at saloobin ng ating mga kabarangay. Ito ang mga bagay na AYAW na nilang makita sa isang lider:
โข Kawalan ng katapatan
โข Paglustay ng pondo para sa flood control at iba pang proyekto
โข Korapsyon o pagnanakaw ng pondo ng bayan
โข Pagsisinungaling sa tao
โข Panloloko sa nasasakupan
โข Hindi pagtupad sa pangako
โข Pagiging sakim sa pera o kapangyarihan
โข Pag-una sa personal na interes kaysa sa mamamayan
โข Paninisi sa iba kahit sariling kasalanan
โข Pagtatago ng mali o kawalan ng transparency
โข Kawalan ng disiplina
โข Kawalan ng malasakit sa tao
โข Paggawa ng โghost projectsโ o mga proyektong hindi natatapos
Sa bawat komentong inyong ibinahagi, isang bagay ang malinaw:
GISING NA TAYO. NATUTO NA TAYO.
Hindi na sapat ang matatamis na salita at magagandang pangako. Ang kailangan natin ay lider na may tunay na malasakit, katapatan, at tamang serbisyo.
๐ Ang tunay na lider, inuuna ang bayan bago ang sariling interes.
๐ Ang tunay na lider, gawa muna bago salita.
๐ Ang tunay na lider, tapat sa tao at sa tungkulin.
๐ Ang tunay na leader ay SIMPLE, TAPAT, KUMIKILOS
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! Patuloy nating gamitin ang ating boses para sa mas maayos, mas tapat, at mas magandang kinabukasan ng Santa Cruz. ๐ต๐ญ๐
Note: Winners, please message the page to claim your cash prize. ๐