Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan

Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan Pamahalaang Bayan ng Santa Maria, Bulacan Tanggapan ng Nutrisyon

01/09/2026
Day 2Nutrition in Emergency
30/08/2026

Day 2
Nutrition in Emergency


Nutrition in EmergencyAugust 29, 2026
29/08/2026

Nutrition in Emergency
August 29, 2026


26/08/2026
HEALTHY MEALS ON WHEELS LAUNCHING Matagumpay na isinagawa kahapon, Agosto 25, 2026, ang Launching ng Healthy Meals on Wh...
26/08/2026

HEALTHY MEALS ON WHEELS LAUNCHING

Matagumpay na isinagawa kahapon, Agosto 25, 2026, ang Launching ng Healthy Meals on Wheels sa Barangay Guyong, na dinaluhan ng Cluster 1 at Cluster 2, na binubuo ng pitong barangay na kabilang din sa mga benepisyaryo ng Supplemental Feeding Program.

Kabilang sa mga barangay na nakiisa ang Barangay Pulong Buhangin, Balasing, Guyong, Caypombo, Caysio, M. Sapa, at Silangan.

Sa pangunguna ng Tanggapan ng Nutrisyon, sa pamumuno ni MNAO Rosalinda Policarpio, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), isinagawa ang paghahanda at pamamahagi ng mga masustansyang hot meals para sa mga benepisyaryo.

🍲 Tinolang Manok at Kanin na may MNP (Micronutrient Powder)
🥣 Arroz Caldo

Bukod sa launching, isinagawa rin ang lingguhang distributiong feeding upang patuloy na masuportahan ang pangangailangan sa nutrisyon ng mga bata , namahagi din ng mga IEC materials upang maisulong ang pagkakaroon ng masustansya at sapat na pagkain sa komunidad.

Ang Healthy Meals on Wheels ay isang hakbang upang mailapit ang masustansyang pagkain sa mga batang nangangailangan.

Maraming salamat sa MDRRMO , sa mga barangay, at sa lahat ng dumalo upang maging bahagi ng matagumpay na paglulunsad ng programa!

Sama-sama para sa masustansya, malusog, at masiglang kabataan!



Day 2Nutrition in Emergency
10/08/2026

Day 2
Nutrition in Emergency

09/08/2026
Patuloy ang Pagkalinga sa mga Rescue Evacuee ❤️🍲Sa kasalukuyang nagaganap ang pagpapakain sa mga rescue evacuee dulot ng...
09/08/2026

Patuloy ang Pagkalinga sa mga Rescue Evacuee ❤️🍲

Sa kasalukuyang nagaganap ang pagpapakain sa mga rescue evacuee dulot ng Habagat, patuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan at organisasyon upang matiyak ang kanilang pangangailangan sa pagkain at nutrisyon.

Katuwang ng Nutrition Office ang mga mga kinatawan mula sa GSO at LLN sa pagbibigay ng serbisyo at suporta sa ating mga kababayang naapektuhan.

Samantala, patuloy ding umiikot ang Mobile Kitchen, katuwang ang Rescue Team at Kabalikat Civicom, upang maihatid ang mainit at masustansyang pagkain sa mga evacuation area.

Sa panahon ng pagsubok, bayanihan at malasakit ang ating sandigan. 🤝❤️


Address

Poblacion
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Nutrition Office - Santa Maria, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share