BALIK SIGLA

Directions

BALIK SIGLA XL SA SERBISYO
XL SA MALASAKIT
XL SA PAGBABAGO TUNGO SA KAUNLARAN

12/10/2026
Ang TEAM BALIK SIGLA ay nakikiisa at sumusuporta sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon para sa NATIONAL SCHOOL SAFETY WEE...
12/10/2026

Ang TEAM BALIK SIGLA ay nakikiisa at sumusuporta sa mandato ng Kagawaran ng Edukasyon para sa NATIONAL SCHOOL SAFETY WEEK.

Hangad po namin na ang ating pangalawang tahanan ng ating mga mag-aaral ay maging ligtas at kaaya-aya para sa kanilang pagkatuto.

Ito po ay isang hamon sa ating lahat na magtulong-tulong para sa ligtas na paaralan ang pamamaligian ng ating mga kabataang nagsisikap mapanday ang kanilang murang kaisipan.



PAHALAGAHAN ANG KALUSUGANG MENTALSa araw po na ito, ating ginugunita ang Pagpapahalaga sa kalusugang mental ng bawat ind...
10/10/2026

PAHALAGAHAN ANG KALUSUGANG MENTAL

Sa araw po na ito, ating ginugunita ang Pagpapahalaga sa kalusugang mental ng bawat indibidwal. Mga taong nangangailangan ng espeyal na atensyon sa kanilang gawi at pag-iisip.

Hindi sila dapat i-bully o iwasan bagkus dapat silang kausapin at iparamdam na nandito tayo bilang kanilang kaibigan at masasandalan.

Kapag hindi ito naproseso nang tama, maaring magdulot ito sa kanya ng palaging pagkagalit, pagkabalisa, pagkilos ng di nararapat o maaring humantong sa paggawa ng di maganda sa kapwa.

Marapat iparamdam sa mga taong nakikitaan nito na manalig, magdasal, at magtiwala na malalampasan nya ang lahat ng bagay.

TULONG ANG KAILANGAN NILA,HINDI ANG ATING MGA PANGHUHUSGA!!! πŸ’›πŸ’šπŸ§‘



Ang ating pagbati sa lahat ng SENIOR CITIZENS ng BARANGAY MANGGAHAN sa pagdiriwang ng ELDERLY FILIPINO WEEK 2026. Ito po...
09/10/2026

Ang ating pagbati sa lahat ng SENIOR CITIZENS ng BARANGAY MANGGAHAN sa pagdiriwang ng ELDERLY FILIPINO WEEK 2026. Ito po ay ginanap noong ika-01 hanggang ika-07 ng Oktubre.

Tunay na may boses at malaking papel ang mga nakatatanda sa ating lipunan. Nararapat lamang na magkaroon pa rin sila ng halaga sa ating komunidad.

Bagamat mahina na ang kanilang katawan di tulad ng kanilang kabataan, patuloy nating ibalik ang sigla at tuwa sa kanilang buhay dahil mahalaga sila sa ating puso at isipan!!!

Mga Lolo at Lola namin..... Mahal po namin kayo!!!!



Simpleng regalo sa ating mga G**O ( Retired, active, by profession at P***A) sa Barangay Manggahan. Simpleng handog bila...
05/10/2026

Simpleng regalo sa ating mga G**O ( Retired, active, by profession at P***A) sa Barangay Manggahan.

Simpleng handog bilang pasasalamat sa inyong paghihirap, sakripisyo at kabayanihan sa ating mga kabataan at patunay na mayroon po kayong malaking lugar sa aming puso tuwina.

MABUHAY ANG MGA G**O NG BARANGAY MANGGAHAN!!!πŸ’›πŸ’šπŸ§‘



TEACHER IKAW NAMAN!!!!Ang amin pong pagsaludo sa mga g**o na nagsisilbing "Loco Parentis" o pangalawang magulang ng atin...
04/10/2026

TEACHER IKAW NAMAN!!!!

Ang amin pong pagsaludo sa mga g**o na nagsisilbing "Loco Parentis" o pangalawang magulang ng ating mga anak o mag-aaral sa paaralan.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagbibigay kahulugan sa bawat buhay ng mga batang nagsisimulang mangarap.

Alam po namin na ang laman ng inyong mga puso at isipan ay walang iba kundi ang kabutihan at laging hangad ang kabutihan ng inyong mga mag-aaral.

Kaya mga Ma'am at Sir......... SALUDO PO KAMI SA INYONG LAHAT!!!!

Patuloy nyo po IBALIK ANG SIGLA sa murang kamalayan ng mga mag-aaral na mangarap, magmahal, magmalasakit at kagustuhang abutin ang tagumpay sa buhay!!!!

Maligayang pagdiriwang ng Araw ng mga G**o!!!
πŸ’›πŸ’šπŸ§‘



Address

Manggahan
Santa Maria
3022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BALIK SIGLA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share