25/09/2022
Isang mahalagang Paalala mga Kabarangay!
Kasalukuyang nakapailalim sa Signal No. 4 ang ating Lalawigan. Kaugnay nito, inaasahang mararamdaman ang epekto nito mamayang gabi hanggang bukas ng tanghali.
Pinapayuhan ang ating mga kabarangay na mag-ingat at maging alerto ang mga nakatira sa mga mabababang lugar lalo't higit ang mga naninirahan sa gilid ng ilog. Tiyaking ang lahat ay nasa ligtas na lugar sa mga oras ng pagdaan ng bagyo.
- Narito rin ang ilang mga dapat gawin upang maging handa bago dumating ang bagyo:
- Alamin ang balita ukol sa panahon at mga anunsyong pangkaligtasan.
- Suriin ang bahay at ayusin ang mga mahina o sirang bahagi nito.
- Maghanda ng mga pagkaing hindi agad nasisira katulad ng de-lata, biskwit at iba pa.
- Maghanda ng mga gamit at gamot na pang-unang lunas (first-aid).
- Ihanda ang na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya.
- Mag-ipon ng malinis na tubig.
- Ilikas ang mga alagang hayop sa ligtas na lugar.
- I-charge ang cellphone o anumang gadget na puwedeng gamitin sakaling mawalan ng kuryente.
- Makinig o alamin ang mga latest updates o balita patungkol sa lagay ng panahon sa ating Lugar.
"Barangay Sta.Clara, Nagkakaisa!Sa Pag-unlad, Sama sama"