04/09/2026
PAGLILINIS AT GRASS CUTTING SA PALIGID NG ATING MGA PAARALAN
Nagsagawa ng clean-up drive at grass cutting operation ang ating mga kawani ng barangay sa daan patungong Sta. Cruz Elementary School at sa paligid ng Sta. Cruz High School nitong mga nakaraang araw.
Sa direktiba ng ating Punong Barangay, Kap. Amado Dela Cruz, katuwang ang Sangguniang Barangay, layunin ng ating pamunuan na panatilihing maayos at malinis ang paligid ng ating mga paaralan para sa ating mga mag-aaral at residente.
Maraming salamat po sa ating mga kawani ng barangay sa kanilang tuluy-tuloy na paglilingkod! π