06/02/2024
We are glad to be chosen for this project. Happy Fiesta, Bayan ng Sta. Maria!
SANTA MARIA TOWN FIESTA 2024 WELCOME ARC!
Tunay na papalapit na nang papalapit ang isa sa pinaka -mahabang pagdiriwang ng Kapistahan sa Bansa, ang Santa Maria Town Fiesta — Kapistahan ng La Purisima Concepcion.
Alam nyo ba na ang Santa Maria Town Fiesta ang isa sa maituturing na pinakamahabang pagdiriwang ng Kapistahan sa Bansa, sapagkat dito sa ating Bayan taun-taon ay month-long celebration ang inihahandang programa ng ating Santa Maria Town Fiesta Committee. Bukod na napakadaming mga musiko, tuwing weekend ng February ay may nagaganap na mga pagtatanghal at mga konsyerto sa Patio ng simbahan alay sa Mahal na Patrona.
Ngayong taon sa pagsapit natin sa punong tulay sasalubungin tayo ng isang espesyal na arko kung saan tampok ang ating Mahal na Patrona, ang mapaghimala at kahanga-hangang Virgen La Purisima Concepcion.
Viva La Virgen! Happy Fiesta 2024!