Barangay Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan

Barangay Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan New Official page of Barangay Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan

‼️PABATID‼️MEGA JOB FAIR 2026“Trabaho, Serbisyo, at Pagkakataon para sa Bawat Santa Marian”Santa Marians, handa na ba ka...
17/08/2026

‼️PABATID‼️

MEGA JOB FAIR 2026

“Trabaho, Serbisyo, at Pagkakataon para sa Bawat Santa Marian”

Santa Marians, handa na ba kayo sa inyong susunod na oportunidad?

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa MEGA JOB FAIR 2026 ngayong August 25, 2026 (Tuesday), 9:00 AM – 3:00 PM, na gaganapin sa Santa Maria Stadium, Santa Maria, Bulacan.

ANO ANG NAGHIHINTAY SA INYO?

MARAMING LOCAL JOB VACANCIES
Mula sa iba’t ibang kumpanya at employers na naghahanap ng mga kwalipikadong aplikante.

ONE-STOP SHOP GOVERNMENT SERVICES
Makakuha rin ng serbisyo at assistance mula sa:
• SSS
• PhilHealth
• Pag-IBIG

LIBRENG SERBISYO PARA SA LAHAT!
FREE HAIRCUT
FREE HILOT MASSAGE

Isang araw ng trabaho, serbisyo, at libreng wellness para sa bawat Santa Marian!

Huwag kalimutang magdala ng updated Resume/CV at iba pang kinakailangang dokumento upang mas mapabilis ang inyong aplikasyon.

Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na hangarin ng ating Punong Bayan, Igg. Bartolome “Omeng” Ramos, na maisulong ang kaunlaran, kapakanan, at magandang buhay para sa bawat mamamayan ng Santa Maria sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at access sa mahahalagang serbisyo.

Sa pangunguna ng Public Employment Service Office (PESO) Santa Maria sa pamumuno ni Ms. Zenaida S. Maningas, PESO Manager, sama-sama nating binubuksan ang mas maraming pintuan tungo sa trabaho at mas magandang kinabukasan.

Sama-sama nating buksan ang mas maraming trabaho, serbisyo, at oportunidad para sa isang mas maunlad na Santa Maria! 💙

04/08/2026
‼️PABATID‼️
04/08/2026

‼️PABATID‼️

Mas malinis na barangay, mas maayos na serbisyo! 🚛♻️Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mayor OMENG RAMOS sa ipinagkalo...
03/08/2026

Mas malinis na barangay, mas maayos na serbisyo! 🚛♻️

Isang taos-pusong pasasalamat po kay Mayor OMENG RAMOS sa ipinagkaloob na bagong garbage truck para sa Barangay Mahabang Parang.

Ang biyayang ito ay malaking tulong upang lalo pang mapabilis at mapahusay ang ating serbisyo sa pangongolekta ng basura para sa kapakinabangan ng bawat kabarangay.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at malasakit sa aming komunidad! 💙

Barangay Mahabang Parang,
Matahimik na Barangay,
Maunlad na Pamumuhay!

🚨 PAANYAYA SA BASIC LIFE SUPPORT (BLS) TRAINING!🚨💓 Matutong magligtas ng buhay! Sumali sa ating Basic Life Support (BLS)...
21/07/2026

🚨 PAANYAYA SA BASIC LIFE SUPPORT (BLS) TRAINING!🚨

💓 Matutong magligtas ng buhay! Sumali sa ating Basic Life Support (BLS) Training at matutunan ang tamang pagtugon sa mga emergency.

🗓 Petsa: July 23, 2026 (Huwebes)
🕗 Oras: 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Lugar: Mahabang Parang Conference Room

👥 Sino ang maaaring sumali?
✅ Residente ng Barangay Mahabang Parang
✅ 18 taong gulang pataas
✅ Physically at mentally fit
✅ Handa sa hands-on CPR at Basic First Aid training
✅ Available sa buong araw ng pagsasanay

📚 Ano ang matututunan?
❤️ Cardiopulmonary Resuscitation (CPR)
🩹 Basic First Aid
🚑 Emergency Response Skills
🛟 Life-Saving Techniques

⚠️ LIMITADO ANG SLOT!
20 kalahok lamang ang maaaring tanggapin sa ating barangay.

📌 Magparehistro na sa Barangay Office at maging handa sa oras ng sakuna. Ang kaalaman sa tamang pagresponde ay maaaring maging daan upang makapagligtas ng buhay.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama nating gawing mas ligtas at mas handa ang ating komunidad.💙

07212026: INITIAL INVENTORY of SANGGUNIANG BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAANMaayos at matagumpay na naisagawa ang Initia...
21/07/2026

07212026: INITIAL INVENTORY of SANGGUNIANG BARANGAY AND SANGGUNIANG KABATAAN

Maayos at matagumpay na naisagawa ang Initial Inventory ng mga ari-arian, kagamitan at mga dokumento ng ating Barangay.

Ang gawaing ito ay bahagi ng ating patuloy na pagsisikap na mapanatili ang transparency, accountability, at maayos na pamamahala sa serbisyo publiko. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras upang maging maayos at organisado ang isinagawang inventory.

Sama-sama nating itaguyod ang isang responsable, tapat, at maayos na pamahalaang barangay para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Barangay Mahabang Parang,
Matahimik na Barangay,
Maunlad na Pamumuhay!

Isang Taos-Pusong PasasalamatSa pagwawakas ng isang makabuluhang yugto ng inyong paglilingkod, nais naming ipaabot ang a...
25/06/2026

Isang Taos-Pusong Pasasalamat

Sa pagwawakas ng isang makabuluhang yugto ng inyong paglilingkod, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa aming mahal na Punongguro Olivia M. Dela Peña.

Maraming salamat po sa inyong dedikasyon, mahusay na pamumuno, at walang sawang paggabay na naging daan sa pag-unlad at tagumpay ng ating paaralan. Ang inyong mga ambag, malasakit, at inspirasyon ay mananatiling bahagi ng aming mga alaala at magsisilbing gabay sa mga susunod na henerasyon.

Bagama't nalulungkot kami sa inyong pag-alis, hangad namin ang inyong patuloy na tagumpay, mabuting kalusugan, at kaligayahan sa inyong bagong landas.

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod. Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal.

💙 Maraming salamat at mabuhay po kayo!

📷MPES page

💙 Maligayang Araw ng mga Ama! 💙Sa araw na ito, taos-puso nating binabati ang lahat ng ama, tatay, papa, itay, tatang at ...
21/06/2026

💙 Maligayang Araw ng mga Ama! 💙

Sa araw na ito, taos-puso nating binabati ang lahat ng ama, tatay, papa, itay, tatang at mga tumatayong ama sa ating Barangay Mahabang Parang. Salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, paggabay, at pagiging haligi ng inyong mga pamilya at ng ating komunidad.

Isang natatanging pagbati rin sa ama ng ating barangay, Punong Barangay Larry Villacorte, kasama ang mga haligi ng ating pamayanan na sina Kag. Renato Salazar, Kag. Armando Gaña, Kag. Joel Santos, at Kag. Rennier Nieto. Nawa'y patuloy kayong maging inspirasyon sa pamamagitan ng inyong tapat na paglilingkod at mabuting pamumuno.

Pagbati rin po para sa ating Barangay Admin Officer Federico Catiis, Ex-O Vic Santos, Deputy Bert Hipolito, mga team leaders at mga magigiting na barangay tanod, lupon members, sa ating eco-boys, SW fee collector, drivers at sa lahat ng ama na patuloy na naglilingkod at nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng ating barangay.

Mabuhay ang lahat ng ama! Nawa'y maging masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Father's Day kasama ang inyong mga mahal sa buhay.

Happy Father's Day po! 💙

17/06/2026

📣📣 PABATID 📣📣


Address

Barangay Mahabang Parang
Santa Maria
3022

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Mahabang Parang, Santa Maria, Bulacan:

Shortcuts

Share