07/06/2020
MAPAGPALA AT LIGTAS na araw po sa ating lahat๐
Para sa kaalaman ng lahat. Ang quarantine po ay may tamang proseso at nasa desisyon po ito ng doctor natin sa RHU, ito po ay wala sa kamay ng kahit sinong Barangay officials, RHU doctor po ang magsasabi kung maaring home quarantine o doon sa ating quarantine facility sa may outpost. Kapag po kumpleto ang dokumento at may swab test na katunayan na wala silang covid mas madali po ang proseso i-che-check po ito ng RHU doctor at sila po ang magsasabi kung pwede po bang kayo ay i-home quarantine o dapat i-quarantine sa ating quarantine facility sa may outpost. Ang home quarantine po ay nire-recommend depende parin sa type of location ng tinitirikan ng kanilang bahay. Ang atin pong qaurantine ay may case to case basis hindi lamang po ito basta-basta๐. Kapag walang kahit anong valid na dokumento at umuwi ay automatic po dun po sila sa Quarantine area natin sa may outpost. Nais po nating ipabatid ang kaliwanagan sa lahat, na lahat po ng dumadating sa ating barangay maging sa ating bayan ay binibisita po ng RHU at kung home quarantine po ay personal nilang pinupuntahan ang tahanan. Kung kayo naman po ay galing kalayaan o sa kahit anong bayan na pababa ay maaari na kayo umuwi o pumunta sa inyong kaanak basta po may tamang ID o dokumento na nagpapatunay na galing kayo sa alin mang bayan mula kalayaan pababa ay papasukin po kayo sa mga checkpoint. Kapag po tayo ay mga tanong ay mas mabuti pong doon po tayo sa mga kinauukulan magtatanong upang tamang sagot din po ang ating makukuha, hangad po namin at sinisikap po ng bawat frontliners ang inyong kaligtasan, kung kaya't kami man po ay may mga pagkukulang kami po ay nahingi ng paumanhin, ngunit ito po ang aming masisigurado sa inyo ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya upang makapag lingkod sa ating mga mamayan. Tayo po nawa ay mag unawaan at magdasal upang malagpasan ang pandemyang ito sapagkat lahat po ay apektado kaya kung lahat po tayo ay mananalangin matatapos din po ito. Maraming salamat po๐
GOD BLESS and STAY SAFE
-Kap