Mayor Omeng Ramos

Directions Website

Mayor Omeng Ramos The Official page of Mayor Omeng Ramos.

𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐋𝐘𝐃𝐎 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 — TARA NA, KABATAANG SANTA MARIA! MAGING BAG...
15/10/2026

𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐋𝐘𝐃𝐎 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 — TARA NA, KABATAANG SANTA MARIA! MAGING BAGANI!

Nais mo bang palawakin ang iyong kaalaman at kakayahan sa pamumuno, pamamahala, at paglilingkod sa bayan? Ito na ang pagkakataon mong matuto, umunlad, at maging bahagi ng susunod na henerasyon ng mga lider-kabataan!

Inaanyayahan ng Local Youth Development Office (LYDO) ng Santa Maria, Bulacan ang mga kwalipikadong Kabataang Santa Maria na makilahok sa BAGANI: Rising Leaders Development Program – Open Learning ng Development Academy of the Philippines (DAP), sa ilalim ng LAKBAYANI Partnership!

Ang programang ito ay isang LIBRE, online, at self-paced na leadership development program na naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga kabataan sa pamumuno, mabuting pamamahala, at makabuluhang paglilingkod sa komunidad.

Sino ang maaaring sumali?
Mga Kabataang Santa Maria edad 18–30 taong gulang na kabilang sa mga sumusunod:

✅ Young public sector professionals at government youth leaders, kabilang ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials;

✅ Student leaders mula sa mga kwalipikadong paaralan at institusyon; at

✅ Community leaders mula sa mga organisasyong kinikilala ng National Youth Commission (NYC), Bangsamoro Youth Commission (BYC), o iba pang kinauukulang government bodies.

✅ Ang mga mag-aaral mula sa private higher education institutions o basic education institutions ay maaari ring maging kwalipikado kung kinakatawan o kabilang sila sa isang YORP-registered organization, alinsunod sa mga itinakdang requirement ng programa.

Ano ang mga kursong maaari mong kunin?

🔹 TANGLAW – Youth Identity and Participation in Governance

🔹 BUKLOD – Leadership Development in Governance

🔹 PAMANA – Philippine Governance and Upholding Public Service

🔹 HIRAYA – Developing Innovative and Sustainable Solutions

🔹 PAMAMAHALANG PILIPINO – Filipino Values and People-Centered Governance

Bawat kursong matagumpay na makukumpleto ay may katumbas na Certificate of Completion at 16 oras ng leadership and management training, matapos matugunan at ma-validate ang lahat ng kinakailangang requirement.

• Learning Period: Hanggang November 30, 2026
• Mag-register dito:
https://forms.gle/NSeCHZcnEuhX3n58A

Mahalagang Paalala: Ang paglahok ay nakabatay sa beripikasyon ng eligibility at kumpirmasyon ng slot ng DAP. Kung nakapag-register ka na, hinihikayat kang makipag-ugnayan sa LYDO Santa Maria para sa koordinasyon at monitoring.

Mga Kabataang Santa Mariaha, samantalahin natin ang pagkakataong ito upang higit pang paunlarin ang ating kakayahan at maging handa sa mas malawak na responsibilidad sa pamumuno at paglilingkod!

𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐇𝐈𝐋𝐈𝐏𝐏𝐈𝐍𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐋𝐘𝐃𝐎 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 — TARA NA, KABATAANG SANTA MARIA!

02/10/2026

𝐂𝐎𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐌𝐎𝐍𝐓𝐇 𝐂𝐄𝐋𝐄𝐁𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔
“𝐌𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐊𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐛𝐚: 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐮𝐧𝐥𝐚𝐫𝐚𝐧.”

Isang makulay at masayang pagdiriwang ng Cooperative Parade, Zumba, at Kooplympics ang ginanap ngayong Oktubre 1, 2026 sa Aquinas De Escolar Academy, Catmon, Santa Maria, Bulacan!

Pinuno ng sigla, pagkakaisa, at samahan ang araw na ito habang sama-samang ipinamalas ng mga kooperatiba at kanilang mga kasapi ang tunay na diwa ng pagtutulungan, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad.

Nakikiisa rin sa makabuluhang pagdiriwang ang ating Punong Bayan, Mayor Omeng Ramos, kasama si Konsehal Lito Jacinto, bilang pagpapakita ng kanilang patuloy na suporta at pakikiisa sa mga kooperatiba at sa mga programang naglalayong palakasin ang samahan at kabuhayan ng ating mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng Parade, Zumba, at Kooplympics, higit nating pinagtibay ang samahan at ipinakita na ang isang matibay na kooperatiba ay nagsisimula sa nagkakaisang pamayanan.

Mabuhay ang mga Kooperatiba! Mabuhay ang nagkakaisang pamayanan!

ANNOUNCEMENT | CLASS SUSPENSION Suspension of Classes in ALL LEVELS in Public Schools in the Municipality of Santa Maria...
02/10/2026

ANNOUNCEMENT | CLASS SUSPENSION

Suspension of Classes in ALL LEVELS in Public Schools in the Municipality of Santa Maria, Bulacan on 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟎𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲), in observance of the 2026 National Teachers’ Month, National Teachers’ Day, and World Teachers’ Day Celebrations.

For PRIVATE SCHOOLS, the suspension of classes shall be at the discretion of the respective school administration.

Let us take this opportunity to honor and celebrate our teachers for their dedication, passion, and invaluable contribution to shaping the future of our learners.

Happy National Teachers’ Day!

12/09/2026

𝐒𝐀𝐌𝐄 𝐃𝐀𝐘 𝐄𝐃𝐈𝐓 | 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐆𝐀𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟔

Congratulations sa mga natatanging Kabataan na naparangalan ngayon sa ating Awards Night 2026.

Mabuhay ang Kabataan ng Bayan!

ANNOUNCEMENT: Sinususpinde na natin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan simula ngayong i...
09/09/2026

ANNOUNCEMENT: Sinususpinde na natin ang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan simula ngayong ika-12 ng tanghali, September 9, 2026 (Miyerkules) dahil sa patuloy na nararanasan na masamang panahon dahil sa epekto ng habagat.

Palaging maging handa, alerto, at ligtas.
Stay safe mga Anak!

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes...
03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Norte
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

ORIGINAL POST FROM: Presidential Communications Office

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!Alinsunod sa rekomendasyon ng mga kasama natin sa Santa Maria Municipal Disaster Risk Reductio...
28/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!

Alinsunod sa rekomendasyon ng mga kasama natin sa Santa Maria Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, mananatiling #𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ALL LEVELS, sa mga mayroong nakaschedule na klase, bukas, August 29, 2026 (Sabado) dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng habagat na batay sa weather forecast ng PAGASA ay direkta pa ding mararamdaman sa ating lugar.

Kanselado ang Face-to-Face Classes at hinihikayat ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Delivery Modes (ADM) para sa pagpapatuloy ng pag-aaral batay sa ipinatutupad na alituntunin ng DEPED.

𝐏𝐚𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚, 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧!

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!Alinsunod sa rekomendasyon ng mga kasama natin sa Santa Maria Municipal Disaster Risk Reductio...
27/08/2026

𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!

Alinsunod sa rekomendasyon ng mga kasama natin sa Santa Maria Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, #𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, ALL LEVELS, bukas, August 28, 2026 (Biyernes), dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng habagat na batay sa weather forecast ng PAGASA ay direktang mararamdaman sa ating lugar.

Kanselado ang Face-to-Face Classes at hinihikayat ang mga paaralan na magpatupad ng Alternative Delivery Modes (ADM) para sa pagpapatuloy ng pag-aaral batay sa ipinatutupad na alituntunin ng DEPED.

This recommendation is being made as a precautionary measure to protect the safety of learners, teaching and non-teaching personnel, considering the possibility of heavy rainfall, flooding, difficult road conditions, and other rainfall-related hazards.

𝐏𝐚𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚, 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬, 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧!

𝐌𝐀𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!Simula bukas, 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟐𝟔. 𝟐𝟎𝟐𝟔, ay magsisimula nang magserbisyo para sa ating mga kababayan ang...
25/08/2026

𝐌𝐀𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐍𝐀𝐊!

Simula bukas, 𝐀𝐔𝐆𝐔𝐒𝐓 𝟐𝟔. 𝟐𝟎𝟐𝟔, ay magsisimula nang magserbisyo para sa ating mga kababayan ang 𝐍𝐁𝐈 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝐒𝐀𝐓𝐄𝐋𝐋𝐈𝐓𝐄 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄.

Hindi tayo tumigil na makipag-ugnayan sa ahensya para mailapit sa ating mga kababayan ang Kuhanan ng NBI Clearance na palaging kailangan ng ating mga kababayan sa pagpasok sa inaapplyan na trabaho.

Ngayon ay narito na ang NBI Santa Maria Satellite Office na matatagpuan sa 2nd floor ng Rotary Club Building sa likod lamang ng ating Munisipyo. Bukas ito simula 8:00am hanggang 5:00pm, Lunes hanggang Huwebes.

Para sa inyo ito, mga mahal naming mga kababayan!

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati at nakaalala sa aking kaarawan. 😊🫶🏽Maraming salamat po sa mga nagla...
24/08/2026

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng bumati at nakaalala sa aking kaarawan. 😊🫶🏽

Maraming salamat po sa mga naglaan ng oras para mag-message, tumawag, mag-post, magpadala ng pagbati, at higit sa lahat, ng inyong mga panalangin.

Sa dami ng ating mga ginagawa at pinagkakaabalahan sa araw-araw, tunay pong nakakataba ng puso na malaman na may mga taong nakakaalala at patuloy na nagbibigay ng kanilang pagmamahal at suporta.

Hindi ko man po kayo maisa-isang mapagpasalamatan, nais kong malaman ninyo na bawat bati, bawat mensahe, at bawat panalangin ay lubos kong pinahahalagahan. Kayo po ang nagbigay ng dagdag na saya at kahulugan sa aking kaarawan.

Isa na namang taon ang ipinagkaloob sa akin ng Panginoon. Isang panibagong pagkakataon upang maglingkod, gumawa ng mabuti, at patuloy na maging bahagi ng ating minamahal na bayan ng Santa Maria.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, pagmamahal, at patuloy na suporta. Higit sa isang kaarawan, ipinapaalala ninyo sa akin kung gaano ako pinagpala na makasama at makapaglingkod sa ating mga kababayan.

Mula po sa aking puso, maraming salamat po sa inyong lahat.

Pagpalain po tayong lahat ng Poong Maykapal at ni Inang Maria! 🙏🇵🇭

Address

Santa Maria
3022

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Omeng Ramos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share