08/03/2026
Sa bawat Pilipina na may pangarap at adhikain,
May tapang na harapin ang hamon ng panahon at hangarin.
Hindi lamang ilaw ng tahanan, kundi tanglaw ng bayan,
Sa talino at sipag, sila’y patuloy na inaasahan.
Ngayong Women’s Month, ating ipaalala sa lahat,
Na ang lakas ng babae ay hindi dapat minamaliit kahit sandali’t saglit.
Sapagkat sa bawat hakbang na kanilang tinatahak,
May pagbabagong dala ang pusong matatag.
🖼️: Mikaella Rivera
✍️: Kayceelyn Peñaflor