Virgie Nipay Tuazon

Virgie Nipay Tuazon "Aksyon at Solusyon"

13/05/2025

MARAMING SALAMAT PO! 🩷

Sa aking mga minamahal na kababayan ng Santa Maria,

Hindi man pinalad ang ating laban sa halalang ito, buo pa rin ang puso ko sa pasasalamat. Maraming salamat sa bawat isa sa inyo na naniwala, lumaban, at naging bahagi ng ating paglalakbay.

Ang kampanyang ito ay higit pa sa politika—ito ay naging kwento ng pagkakaisa, ng pag-asa, at ng tunay na pagmamalasakit sa bayan. Sa bawat yakap, bawat tapik sa balikat, bawat salitang “kaya natin ‘to”—doon ako humugot ng lakas.

Hindi man ito ang resulta na pinangarap natin, alam kong ito ay simula ng mas malalim pang paglingap sa ating mahal na Santa Maria. Mananatili akong kasama ninyo, hindi bilang kandidato, kundi bilang kapwa mamamayan na patuloy na magmamahal at maglilingkod sa ating bayan sa abot ng aking makakaya.

Mula sa puso—maraming, maraming salamat.
Ang tiwalang ibinigay ninyo ay hindi kailanman masasayang.

Sa bawat pagtatapos, may panibagong pag-asa. At sa puso ko, kayo pa rin ang inspirasyon.

— Virginia Tuazon

03/05/2025

🩷💙 HINDI LANG PANGAKO, KUNDI KONKRETONG PLANO. 💙🩷

Kilalanin ang aming mga kandidato—mga tunay na anak ng Santa Maria na may puso, malasakit, at malinaw na plataporma para sa mas maunlad na bukas. Oras na para pakinggan ang mga may tunay na paninindigan.

Ngayong halalan, piliin ang tapat, may malasakit, at tunay na taga-Santa Maria. Sama-sama nating ibalik ang dangal at ginhawa sa ating bayan!

03/05/2025

💙🩷 MAGANDANG UMAGA, KABABAYAN! 🩷💙
🔥🔥 10 araw na lang at sabay-sabay nating ipapanalo ang lider na para sa masa.
Tuazon-Cuento sa balota — puso’t gawa ang puhunan!

💙🩷 OPISYAL NA PAHAYAG 🩷💙Alyansang Tuazon-Cuento"Tungkol sa Pagpapalit ng Kandidato para sa posisyon ni Konsehal Ronald I...
02/05/2025

💙🩷 OPISYAL NA PAHAYAG 🩷💙
Alyansang Tuazon-Cuento
"Tungkol sa Pagpapalit ng Kandidato para sa posisyon ni Konsehal Ronald Ilagan."

Lubos naming ikinalulungkot ang pagpanaw ni Konsehal Ronald Ilagan, isa sa aming mga kandidato. Isa siyang masipag, matapat, at tunay na tagapaglingkod ng bayan na may malasakit sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Santa Maria.

Bilang tugon sa pangyayaring ito, at alinsunod sa itinakdang patakaran ng Commission on Elections (COMELEC), aming opisyal na ipinahagayag si "MAILA ILAGAN", kapatid ni Konsehal Ronald Ilagan at kapwa kasapi ng aming alyansa at partido, ang siyang opisyal na hahalili bilang kandidato ng aming partido.

Hinihiling namin ang inyong tulong at suporta kay Maila Ilagan upang maipagpatuloy ang sinimulan ni Konsehal Ronald at maihatid ang serbisyong may puso sa bawat sulok ng Santa Maria.

Ang laban ay magpapatuloy para kay Konsehal Ronald Ilagan.🩷🩷🩷

02/05/2025

☀️💙🩷 Magandang umaga, Santa Maria! 11 na araw na lang bago natin marinig ang tinig ng mamamayan. Tuloy-tuloy ang laban para sa tapat, may puso, at tunay na taga-Santa Maria! 🩷💙☀️

01/05/2025

"Sa bawat pawis na tumulo, sa bawat sakripisyong tahimik na kinaya—saludo kami sa inyo. Kayo ang tunay na bayani ng bayan. Sa araw ng paggawa, taas-noo naming kinikilala ang inyong lakas, sipag, at dedikasyon.

MALIGAYANG ARAW NG MGA MANGGAGAWA! Sama-sama nating itaguyod ang dangal at karapatan ng bawat manggagawang Pilipino."

29/04/2025

Mapagpalang Umaga sa ating lahat! 🩷💙☀️

28/04/2025

Ang pagwasak sa aming tarpaulin ay hindi makakawasak ng aming prinsipyo.
Ang pagpilas sa aming posters ay hindi makakasira sa tiwalang ibinibigay sa amin ng tao.
At kahit anong maduming taktika, hindi nito matitinag ang isang malinis at tapat na kampanya.

Puwede n’yong sirain ang aming materyales, pero hindi n’yo kailanman masisira ang layunin namin.

Mas titibay kami, mas lalakas, at mas lalaban — hindi lang sa halalan, kundi sa puso ng mga taong tunay na nagmamahal sa bayan.

Respetuhin ang demokrasya. Lumaban nang patas. SAPAGKAT ANG PANALONG DINAYA AY HINDI KAILANMAN TOTOONG PANALO.

Address

Bagong Pook
Santa Maria
4022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Virgie Nipay Tuazon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category