Barangay Bangad Health Station

Directions

Barangay Bangad Health Station Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Bangad Health Station, Government Organization, Purok 5 , Bangad, Santa Maria.

HINDI LAHAT NG BANTA AY NAKIKITA. PERO ANG PROTEKSYON, PUWEDENG PILIIN. Minsan, akala natin ay ligtas dahil wala tayong ...
15/08/2026

HINDI LAHAT NG BANTA AY NAKIKITA. PERO ANG PROTEKSYON, PUWEDENG PILIIN.

Minsan, akala natin ay ligtas dahil wala tayong nakikitang panganib. Pero ang tigdas, rubella, at iba pang vaccine-preventable diseases ay maaaring dumating nang hindi inaasahanโ€”at maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon.

๐Ÿ’™ Ang bakuna ay hindi lamang isang turok. Ito ay proteksyon.
Ito ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak, pamilya, at komunidad.

Huwag hayaang ang takot, maling impormasyon, o maling akala ang maging dahilan para ipagpaliban ang bakuna.

๐Ÿ‘‰ Magtanong sa inyong health worker.
๐Ÿ‘‰ Magpabakuna sa tamang oras.
๐Ÿ‘‰ Protektahan ang buhay.

๐Ÿ’‰ LIFE-SAVING VACCINES โ€” PROTECTION TODAY, HEALTHIER TOMORROW!






๐Ÿ’‰โค๏ธ MR-SIA 2026 | Barangay Bangad Health Station โค๏ธ๐Ÿ’‰Isang matagumpay at makabuluhang Measles-Rubella Supplemental Immuni...
12/08/2026

๐Ÿ’‰โค๏ธ MR-SIA 2026 | Barangay Bangad Health Station โค๏ธ๐Ÿ’‰

Isang matagumpay at makabuluhang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA 2026) ang isinagawa sa Barangay Bangad Health Station! ๐ŸŽ‰

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng aktibidad at sa sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang ating mga chikiting laban sa Measles at Rubella.

MUNICIPAL GOVERNMENT OF SANTA MARIA
Sa pangunguna ni Hon. Michael Abraham Pagauitan, Municipal Mayor, maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit sa mga programang pangkalusugan ng ating bayan.

RHU SANTA MARIA
Sa pangunguna ni Dr. Bryan Julius T. Panganiban, Municipal Health Officer, at sa buong RHU staff ๐š๐ญ ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ƒ๐“๐“๐ ๐ƒ๐ซ.๐†๐ฅ๐ž๐ฌ๐ก๐š๐ง ๐’๐š๐ฅ๐ฏ๐š๐๐จ๐ซ , maraming salamat sa inyong dedikasyon, koordinasyon, at walang sawang pagtutulungan para sa matagumpay na implementasyon ng MR-SIA 2026.

๐๐ƒ๐Ž๐‡๐Ž ๐๐€๐‘๐“๐๐„๐‘๐’
Isang malaking karangalan at pasasalamat sa ating dedikado, supportive, at hands-on ๐ง๐š PDOHO team sa pagbisita, paggabay, pagmomonitor, at pagbibigay ng technical support sa ating MR-SIA 2026.

๐ŸŒŸ Dr. Elsie A. Pintucan โ€“ DMO V
๐ŸŒŸ Maโ€™am Malou Matote โ€“ DMO IV
๐ŸŒŸ Maโ€™am ๐‰๐ข๐ซ๐š๐ก Delgado โ€“ PDOHO Pharmacist

Ang inyong presensya at technical guidance ay malaking tulong upang masiguro ang ligtas, maayos, at mahusay na pagpapatupad ng MR-SIA sa ating komunidad. Maraming salamat po sa paglalaan ng oras upang makasama at masuportahan kami!

BARANGAY BANGAD OFFICIALS, BHWs & BNS
Maraming salamat sa inyong suporta, mobilization, information dissemination, masterlisting, at pagtutulungan upang maging matagumpay ang ating vaccination activity.

MDRRMO โ€“ ALWAYS READY TO RESPOND!
Isang malaking pasasalamat din sa MDRRMO Santa Maria, through Sir Allan Baui, sa kanilang pagiging alerto at laging handang rumesponde, lalo na sa mga AEFI (Adverse Events Following Immunization) na nangangailangan ng agarang assessment at referral.

โค๏ธ AT HIGIT SA LAHAT, MARAMING SALAMAT SA ATING MGA PARENTS & GUARDIANS!

Salamat sa inyong tiwala, pakikiisa, at pagbibigay-prayoridad sa kalusugan ng inyong mga anak. Sama-sama nating protektahan ang bawat bata laban sa Measles at Rubella.

Bakunado. Protektado. Ligtas. ๐Ÿ’‰๐Ÿ›ก๏ธโค๏ธ



10/08/2026

๐Ÿ’ƒSayaw para sa Ligtas Tigdas!

Sabay-sabay nating isigaw:

Tigdas walang atrasan! ๐Ÿ’ชโœจ
Magpabakuna, protektahan ang bawat chikiting, at sama-sama nating gawing Ligtas sa Tigdas ang ating komunidad!

Tara na, magpabakuna! ๐Ÿ’‰โค๏ธ

#๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ2026 #๐๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š๐๐š๐ซ๐š๐’๐š๐‹๐š๐ก๐š๐ญ #๐›๐ก๐ฌ๐›๐š๐ง๐ ๐š๐

โ€ผ๏ธ Ang Measles o Tigdas ay nakamamatay โ€ผ๏ธPero may paraan para protektahan ang mga bata sa panganib nito. Alamin ang mga ...
05/08/2026

โ€ผ๏ธ Ang Measles o Tigdas ay nakamamatay โ€ผ๏ธ

Pero may paraan para protektahan ang mga bata sa panganib nito.

Alamin ang mga detalye tungkol sa sakit na Tigdas at tamang impormasyon sa bakuna na magbibigay proteksyon sa mga bata laban sa sakit na ito.

Basahin ang larawan:






๐— ๐—ฅ ๐—ฆ๐—œ๐—” 2026 | ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ. Alamin ang mga Karaniwang Reaksyon Pagkatapos Mabakunahan. Alamin ang mga karaniwang re...
05/08/2026

๐— ๐—ฅ ๐—ฆ๐—œ๐—” 2026 | ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฎ.

Alamin ang mga Karaniwang Reaksyon Pagkatapos Mabakunahan.

Alamin ang mga karaniwang reaksyon pagkatapos ng pagbabakuna, ang mga senyales na dapat bantayan, at ang mga hakbang na makatutulong upang mapanatiling ligtas ang inyong anak.

๐Ÿ“– Basahin ang mga paalala sa ibaba at ibahagi ang tamang impormasyon sa inyong pamilya at komunidad.

Protektado kapag bakunado.
Ligtas kapag alerto at may tamang kaalaman.



๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด (๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ) ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—œ๐—” ๐—–๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™...
05/08/2026

๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด (๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐Ÿฎ) ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—œ๐—” ๐—–๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฑ๐—ถ๐—ป ๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ.

Pakinggan ang mga tunay at nakakaantig na Testimonials mula sa ating Guest Parents. Alamin ang kanilang mga karanasan, kaalaman, at payo para sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga chikiting at ng buong komunidad.

Samahan niyo kami sa mahalagang talakayang ito!

See you online and onsite!





๐Ÿซโœจ HINGANG GINHAWA PARA SA LAHAT! โœจ๐ŸซNgayong buwan ng Agosto, kaisa ang ating komunidad sa pagdiriwang ng National Lung M...
05/08/2026

๐Ÿซโœจ HINGANG GINHAWA PARA SA LAHAT! โœจ๐Ÿซ

Ngayong buwan ng Agosto, kaisa ang ating komunidad sa pagdiriwang ng National Lung Month 2026 na may temang: โ€œHingang Ginhawa, Kapag Healthy Lungs ang Buong Pamilya.โ€

Ang ating baga ay ang buhay ng ating katawan, kaya napakahalagang panatilihin itong malakas at ligtas sa sakit!

Ngayong buwan, simulan natin ang wastong pangangalaga sa ating paghinga:

๐Ÿšซ Say NO to Smoking & Va**ng: Protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya mula sa masamang epekto ng sigarilyo, v**e, at secondhand smoke.

๐Ÿƒโ€โ™‚๏ธ Manatiling Aktibo: Ang regular na ehersisyo ay nakatutulong upang mapalakas ang kapasidad ng ating baga.

๐Ÿƒ Sariwang Hangin at Kalinisan: Panatilihing malinis at maaliwalas ang ating kapaligiran upang maiwasan ang mga triggers ng hika at ๐š๐ฅ๐ฅ๐ž๐ซ๐ ๐ฒ.
๐Ÿฅ Huwag Balewalain ang Ubo: Kung ikaw o ang iyong kapamilya ay may ubong tumatagal na ng higit sa dalawang linggo, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center.

Sama-sama nating itaguyod ang malusog na baga para sa isang masigla at masayang pamumuhay! ๐Ÿ’™๐Ÿซ

#๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก๐ฒ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ #๐›๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ๐›๐š๐ง๐ ๐š๐๐ก๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก๐ฌ๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง #๐›๐š๐ฐ๐š๐ญ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐š

๐Ÿ‘๏ธโœจ SEE CLEARLY, LIVE FULLY! โœจ๐Ÿ‘๏ธNgayong Agosto, kaisa ang ating komunidad sa pagdiriwang ng Sight Saving Month 2026 na m...
05/08/2026

๐Ÿ‘๏ธโœจ SEE CLEARLY, LIVE FULLY! โœจ๐Ÿ‘๏ธ

Ngayong Agosto, kaisa ang ating komunidad sa pagdiriwang ng Sight Saving Month 2026 na may temang:

โ€œ๐’ee Clearly, Live Fully: Promoting Early Screening and Better Eye Health.โ€

Huwag hintaying lumabo ang paningin! Ang malusog na mga mata ay simula ng mas maliwanag na kinabukasan.

Kaya naman ngayong buwan, simulan natin ang wastong EYE CARE sa ating pamilya:

๐Ÿ›ก๏ธ Mga Simpleng Gabay sa Pangangalaga ng Mata:
๐Ÿ‘‰Sundin ang 20-20-20 Rule: Tuwing ika-20 minuto sa screen, tumingin sa layong 20 talampakan sa loob ng 20 segundo.

๐Ÿ‘‰Kumain ng Masustansya: Damihan ang pagkain ng madadahong gulay at mga pagkaing mayaman sa Vitamin A at Omega-3.

๐Ÿ‘‰Iwasan ang Pagkamot: Huwag kusutin ang mata kapag makati; gumamit ng malinis na tubig o kumonsulta sa doktor.

๐Ÿ‘‰Magpa-Screen Nang Maaga: Huwag balewalain ang panlalabo ng mata. Magpa-check up sa pinakamalapit na eye clinic.

๐Ÿ‘‰Ugaliing mag-ingat sa paggamit ng mga gadgets at unahin ang kalusugan ng ating paningin! ๐Ÿ‘“๐Ÿ’™

Ang SMART na Pamilya, Panalo! Tara! Usap Tayo sa Family PlanningAng responsableng pagpaplano ng pamilya ay nagsisimula s...
04/08/2026

Ang SMART na Pamilya, Panalo! Tara! Usap Tayo sa Family Planning

Ang responsableng pagpaplano ng pamilya ay nagsisimula sa sama-samang pag-uusap, tamang kaalaman, aktibong pagpapasya, at responsableng pagkilos.

Sa pamamagitan ng family planning, mas napapangalagaan ang kalusugan ng ina at anak, natutulungan ang mga mag-asawa na planuhin ang tamang bilang at pagitan ng kanilang mga anak, at mas napaghahandaan ang mas maginhawa at maayos na kinabukasan ng buong pamilya.

Kumonsulta sa pinakamalapit na health center upang malaman ang mga ligtas, epektibo, at angkop na family planning methods na angkop sayo at sa iyong pamilya.




Ang SMART na Pamilya, Panalo! Tara! Usap Tayo sa Family Planning

Ang responsableng pagpaplano ng pamilya ay nagsisimula sa sama-samang pag-uusap, tamang kaalaman, aktibong pagpapasya, at responsableng pagkilos.

Detalye sa Comment Section.

Address

Purok 5 , Bangad
Santa Maria
3330

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Bangad Health Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share