BAYAN - Manila

Directions Contact the organization

BAYAN - Manila Bagong Alyansang Makabayan- Manila is a multi-sectoral formation of people's organizations.

Founded on the determination and strength of the majority of oppressed classes, Bayan is an alliance composed mainly of organizations of workers and peasant. Various sectors also account for many of our allied organization mass membership.

MANILENYO, MAGKAISA! LABANAN ANG KORAP AT PAHIRAP NA SISTEMA!Nitong Setyembre 21, muling binaha ng protesta ang lansanga...
22/09/2026

MANILENYO, MAGKAISA! LABANAN ANG KORAP AT PAHIRAP NA SISTEMA!

Nitong Setyembre 21, muling binaha ng protesta ang lansangan upang gunitain ang ika-54 na anibersaryo ng Batas Militar at ipanawagan ang pananagutan sa korapsyon at pagwawakas sa sistemang patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

Mula DOLE hanggang Mendiola, bitbit ng mga Manilenyo ang panawagan ng iba't ibang sektor sa lungsod na patuloy na humaharap sa kawalan ng trabaho, mataas na presyo, demolisyon, paglabag sa karapatan, at kapabayaan ng pamahalaan.

Ipinakita natin na ang pag-alala ay hindi lamang paglingon sa nakaraan. Ito ay paninindigan sa kasalukuyan at pagkilos upang hindi na maulit ang mga pang-aabuso sa kapangyarihan na nagaganap mula rehimeng Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyang paghahari ni Marcos Jr.






ALERT🚨! ALERT🚨! ALERT🚨! Nitong September 18, bandang alas-10 ng umaga ay namataan ang pag-iikot ng nasa limang kapulisan...
20/09/2026

ALERT🚨! ALERT🚨! ALERT🚨!

Nitong September 18, bandang alas-10 ng umaga ay namataan ang pag-iikot ng nasa limang kapulisan sa Block 9 Tambakan Baseco Manila. Nagtatanong tanong sila sa mga residente tungkol sa kung ano ang pakiramdam sa pagsali sa mga pagkilos ng Gabriela. Pagkatapos ay namimigay ng stab na pang claim daw ng grocery bukas sa court ng hapon. Isa raw sa pangalan ng mga pulis ay si "Sir Liway". Tinatanong din nila kung sino ang organisador ng Gabriela sa lugar.

Noong August 31 naman, nagsagawa ng "humanitarian service and educational awareness forum" ang YAKAP NG MAGULANG Movement sa Baseco at ni Relissa Santos ng Hands Off Our Children, mga organisasyong binuo upang maging tagapamandila ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nanreredtag at demonize sa mga lehitimong panawagan at aktibismo ng iba't ibang sektor at lantarang sinabihan huwag sumali sa Anakbayan at Kabataan Partylist.

Mariin na kinukundena ng BAYAN MANILA ang mga ganitong taktika ng kapulisan na naglulunsad ng mga aktibidad bago at kasabay ng mga malalaking mobilisasyon upang pigilan ang pagkilos ng mamamayan. Nilalabag din nila ang karapatang pantao ng mga residente sa pamamagitan ng surveillance, intimidasyon at panlilinlang sa itsura ng pagbibigay ng mga ayuda.

Ipinapanawagan lamang nito ang higit at puspusan pang pag-organisa at pagpapakilos sa mga mamamayan upang matuligsa at malabanan ang lahat ng porma ng pasismo ng PNP-AFP. Patuloy ang pagkilos ng mamamayan ng Maynila para sa karapatan, tirahan at kabuhayan. Hindi kailanman matitinag ng kahit ano mang porma ng pasismo ng estado ang nagkakaisang pagkilos ng mga Manileño.

SUMAMA SA PAGKILOS BUKAS!
SEPTEMBER 21, 2026
12:00 NN
DOLE - INTRAMUROS

Pinagpupugayan ng BAYAN Manila ang matagumpay na asembliya ng Gabriela Manila!Ngayong araw ay naghalal at nanumpa ang mg...
19/09/2026

Pinagpupugayan ng BAYAN Manila ang matagumpay na asembliya ng Gabriela Manila!

Ngayong araw ay naghalal at nanumpa ang mga bagong opisyales ng citywide na balangay ng GABRIELA. Nagbigay din ng mensahe ng pakikiisa ang Gabriela- National Capital Region, Women Innovating Culture, Change, and Advocacy, at si Arlene Brosas na National President ng Gabriela Women's Party.

Tinalakay din sa pagtitipon ang Pax Silica at North-South Harbour Bridge bilang mga mapanirang proyektong yumuyurak sa buhay at karapatan ng Pilipinong anakpawis. Nagkakaisa ang kababaihang Manilenyo na puspusan nilang tututulan at lalabanan ang mga kontra-mamamayang proyekto at polisiyang dulot ng malakolonyal at malapyudal na sistemang panlipunan, na higit pang nagpapasakit sa kababaihan sa ilalim ng papet na rehimeng Marcos Jr.

ABANTE BABAE! PALABAN MILITANTE!

NORTH-SOUTH HARBOUR BRIDGE, TUTULAN, LABANAN, HUWAG PAHINTULUTAN!

REJECT PAX SILICA!

13/09/2026

ICYMI: CARAVAN KONTRA PAX SILICA

Noong September 11, nakiisa ang mga pangmasang organisasyon mula sa Maynila sa isinagawang Caravan Kontra Pax Silica sa Tarlac.

Ang protest caravan na ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng mamamayang Pilipino sa laban ng mga magsasaka at katutubong pinapalayas sa kanilang lupa upang bigyang-daan ang Luzon Economic Corridor (LEC) at Pax Silica na pinangungunahan ng Estados Unidos katuwang ang kanilang papet na rehimeng Marcos Jr.

Mula Maynila hanggang Tarlac: LUPA SA MAGSASAKA, HINDI SA PAX SILICA! ✊🏻



07/09/2026
07/09/2026

HAPPENING NOW: Kasalukuyang isinasagawa ang public hearing ng mapaminsalang 100MW Waste-To-Energy Incinerator.

WASTE-TO-Energy Incinerator, Tutulan, Labanan, Huwag Pahintulutan!

07/09/2026

HAPPENING NOW: Nagpoprotesta ang mga residente at ibat ibang grupo na tutol sa Waste-To-Energy Incinerator ngayong Public Hearing.


19/08/2026

WTE: HINDI SAGOT SA PROBLEMA SA BASURA AT PAGBAHA

PRESS STATEMENT
13 August 2026

AYUSIN ANG KAPALPAKAN SA FLOOD CONTROL,
‘WAG IPAGPILITAN ANG WTE SA MAYNILA

Tinututulan ng Manila Anti-Incinerator Alliance (MAIA) ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na Smokey Mountain Waste-to-Energy (WTE) incineration bilang solusyon sa pagbaha. Sa halip na ibida ang WTE bilang solusyon, dapat panagutin ng pangulo ang mga ahensiya ng gobyerno na responsable sa maling pagpapatupad ng mga proyekto na dapat sana ay nakapagsalba ng buhay, kabuhayan at ari-arian. Noong nakaraang taon pa lang, isinusulong na ng pangulo ang WTE bilang sagot sa pagbaha sa Maynila. Pero ang ganitong pananaw ay pinag-iisa ang dalawang magkaibang problema, problema sa pagbaha at problema sa basura.

Ang pagdagsa ng basura sa mga kanal at estero ay problema sa waste management at kapalpakan ng imprastraktura, hindi palusot para isulong ang insinerasyon. Ang pagbaha ay problema sa urban planning, land-use at climate change, na masosolusyonan sa pagkakaroon ng maayos na drainage, pinaigting na pangangalaga sa kalikasan at pagpapatupad ng epektibong flood control systems.

Oo, nakakadagdag sa pagbaha ang basura, lalo na kung basta-basta na lang itinapon, pero hindi mapipigilan ng WTE at incineration ang pagdami ng basura. Ang kailangan para matugunan ito ay mahigpit na pagpapatupad ng mga sistema at polisiyang sumusuporta sa responsableng produksyon at pagbabawas ng basura tulad ng reuse, repair, refill, redesign, recycling and composting, gayon din ang pagkilala sa ambag ng mga waste pickers o mangangalakal sa tamang waste management.

Kailangang May Managot
Sa pagsusulong ng WTE bilang bagong solusyon sa problema sa baha, hindi dapat natin kalimutan ang mga anomalya sa mga flood control project, kabilang na dito ang Metro Manila Flood Management Project (MMFP) na pinondohan ng World Bank at ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at ipinatupad ng MMDA.

Kinuwestyon ng COA ang mga delay sa implementasyon ng proyekto at hindi lubos na paggamit ng budget nito na nagresulta sa karagdagang bayad o commitment fees. Ayon sa report ng COA, lima sa mga proyektong natapos na nagkakahalaga ng ₱80.3 million ay nagkaroon ng delay mula 13 hanggang 322 araw, habang apat na on-going na proyekto na nagkakahalagang ₱87.2 million ay nakaranas ng delay na aabot sa 676 araw. Dahil naman sa hindi paggamit ng ₱29.57 million na pondo, nagbayad ng karagdagang ₱37.41 million mula 2018 hanggang 2024.

Ang taun-taong pagbaha ay patunay lang na sa kabila ng milyon-milyong pondo para sa mga flood control project, bigo pa rin ang pamahalaan na matugunan ang problema. Ang pangulo na mismo ang nagsabi na ang labindalawang taong paghinto ng dredging project at sampung taong pagka-delay ng spillway project ay nakaapekto sa paglala ng baha–patunay na epektibong implementasyon ang kailangan.

Delikado ang WTE
Hindi naman bagong ideya ang WTE sa Smokey Mountain. Taong 2023 pa lang, nagkaroon na ng feasibility assessment ang MMDA at nagpasya ang World Bank at AIIB na tanggalin ang WTE component ng proyekto at palitan ng centralized Material Recovery Facility at kalaunan ay Black Soldier Facility dahil sa patuloy na delay sa proyekto, problema sa procurement at isyu sa resettlement.

Kilala ang WTE na nagpo-produce ng polusyon tulad ng fly ash, bottom ash at iba pang by-products tulad ng waste water na maaring kumalat sa hangin, lupa at katubigan. Ang ibinubuga nila mula sa pagsunog ng basura ay may mataas na bilang ng particulate matter (\(PM_{2.5}\)) at mga toxic na kemikal tulad ng dioxins at furans. Ang mga toxins na ito ay posibleng magdulot ng cancer, sakit sa baga, puso at nagpapahina sa immune system. Ang paglalagay ng WTE sa isang mahirap na komunidad ay lalong magpapalala ng buhay ng mga tao at magdudulot ng panganib sa kalusugan at kalikasan.

Hindi dapat Smokey Mountain ang bumalikat sa problema ng basura
Sa kabila ng mga isyung natuklasan sa feasibility assessment na naging dahilan para tanggalin ng WB at AIIB ang WTE sa kanilang proyekto, nakakuha pa rin ng bagong investors si Pangulong Marcos para sa Smokey Mountain WTE Project noong July 2025. At bagaman hindi pa nagsisimula ang proyekto, nagdudulot na ito ng perwisyo sa mga komunidad at pamilya sa Smokey Mountain dahil sa mga sapilitang pagpapaalis, demolisyon, at mga insidente ng panghaharrass sa mga pamilya para tanggapin ang mga voluntary relocation at self-demolition.

Sa loob ng ilang dekada, mga komunidad at pamilya ng mga mangangalakal sa Smokey Mountain ang pumasan sa problema ng basura sa Maynila. Hindi lamang sila basta mga mangangalakal na nagkakalkal ng basura, mahalaga ang papel nila at malaki ang ambag nila sa tunay na material recovery at waste management.

Ang WTE system sa Smokey Mountain ay banta sa tahanan, kabuhayan at kalusugan ng mga pamilya at komunidad sa Smokey Mountain. Hindi maaring sabihin na "green" na solusyon ang WTE kung ang implementasyon nito ay mas magdudulot ng pangmatagalang kapahamakan kesa kabutihan sa kalikasan at mga mamamayan, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang kailangan ay pananagutan at pagbabago sa sistema. Isulong ang makatao at makakalikasang solusyon, hindi insinerasyon.

Mga Lumagdang Organisasyon:
350 Pilipinas
Anakbayan Smokey Mountain Anakbayan Manila
Bayanihan para sa Kalikasan Movement, Inc
Bayay Sibuyanon Inc.
BAYAN - Manila
BUNYOG Paglakaisa Party
Center for Environmental Concerns
Global Alliance for Incinerator Alternatives-Asia Pacific
Green Convergence
Green Research Environmental Research Group Inc.
Global Responsibility for Ecological and Environmental Nurturing (GREEN)
Green Party of the Philippines
HealthCareWithoutHarm Southeast Asia
Kalikas - Green Youth Philippines
Kalikasan People’s Network for the Environment
Living Laudato Si’ Philippines
Manila Workers Unity - MAWU
MYCA Manila Youth for Climate Action
Panatang Luntian Coalition
Reboot Philippines
Samahan ng Maralita ng Upper Smokey Mountain Smusm Orga
Zero Waste Phils., Inc.

Address

Santa Mesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BAYAN - Manila posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BAYAN - Manila:

Shortcuts

Share