01/05/2022
OPISYAL NA PAHAYAG NG PUP SPEAK HINGGIL SA PAGTANGGI NG TUMATAKBO SA PAGKAPANGULO AT ANAK NG DIKTADOR NA SI BONGBONG MARCOS JR. SA DEBATE KONTRA KAY VP LENI ROBREDO
Noong Biyernes, ika-29 ng Abril, inanyayahan ni VP Leni Robredo si Bongbong Marcos sa isang debate upang “mabigyan ang taumbayan ng pagkakataong makaharap siya at matanong tungkol sa mga kontrobersiyang pumapalibot sa kanya.” Malapit na ang Halalan ngunit hindi pa rin kinikilala ni Marcos Jr. ang madilim na dinanas ng bayan noong panahon ng Martial Law. Dagdag pa ang kanyang kwestiyunableng track record, credentials, at mga hindi malinaw na plano para sa bayan.
Ilang oras lamang matapos ang imbitasyon mula kay VP Leni ay mayroon na agad tugon na “hindi ito kailanman mangyayari” mula sa kampo ni Marcos Jr. at sinabi rin na ang kampanya ni VP Leni ay nakaangkla sa negatibo, kasinungalingan, at paninirang-puri. May nakita tayong mga isyu mula sa tugon na ito. Sa ating paglilista, ito ang mga sumusunod:
1. Ang mensahe ni VP Leni ay direktang hamon para kay Marcos Jr. kaya tama lamang na siya mismo ang magpahayag ng pagtanggi bilang kapwa tumatakbo sa Halalan, kandidato laban sa kandidato. Tumatakbo si Marcos Jr. sa pinakamataas na posisyon sa bansa, hindi maaaring spokesperson ang magsasalita sa bawat isyung kinakaharap ng pangulo. Ang pangulo ay dapat humaharap, lumalapat, at malinaw sa kanyang mga hangarin at plano para sa bayan, mga bagay na hindi nakikita kay Marcos Jr.
2. Taliwas sa binanggit ni BBM Spokesperson Vic Rodriguez, hindi si VP Leni ang puno’t dulo ng kasinungalingan at negative campaigning. Kung talagang “positive campaigning” ang ganap ng , kailangang linawin ang mga kasinungalingan na si Marcos Jr., ang pamilya Marcos, at mga miyembro ng ang nakikinabang. Dagdag pa rito, si VP Leni mismo ang biktima ng mga kumakalat na fake news patungkol sa kanyang sarili, pagkababae, at husay bilang ina at lingkod-bayan. Ang pagsingil at panawagan para sa mga biktima ng Martial Law at iba pang kinasangkutang katiwalian ng mga Marcos ay hindi paninira, ito ay base sa katotohanang nakasulat sa ating kasaysayan.
3. Si VP Leni na mismo ang nagbigay ng entablado upang magharap ang dalawang nangunguna sa karera bilang pagkapangulo. Bawat kampo ay may nasasabi sa isa’t isa, ngunit ang pagkakaiba, si Marcos Jr. ay hindi humaharap sa taumbayan. Kung ang pagpapanagot sa mga Marcos ay pawang propaganda, bakit hindi nila ito salubungin at pabulaanan? Ito ay dahil saksi ang kasaysayan sa kalapastanganan ng mga Marcos. Ang pinakamaliit na bagay na magagawa ng mga ito ay kilalanin man lang ang mga abuso na nangyari bagkus binabalewala nila at nagkakabulol-bulol upang protektahan ang imahe ng pekeng pagkakaisa.
4. Ilang beses nang tumanggi si Marcos Jr. sa mga panayam at debate na binuo ng mga lehitimo at mapagkakatiwalaang personalidad at organisasyon. Isa sa matatandaang halimbawa nito ay noong tinawag ni BBM Spokesperson Vic Rodriguez na biased ang isa sa mga kinikilalang mamamahayag sa buong mundo na si Jessica Soho. Ito ay dahil tututok lamang daw ang panayam sa mga negatibong isyu na pumapalibot kay Marcos Jr. Ngunit, sa SMNI na pagmamay-ari ni Quiboloy na supporter ng ay naroon siya upang bumahagi.
5. Ang pekeng diwa ng “pagkakaisa” ay malakas na umaalingasaw mula sa bulsa na punong-puno ng ninakaw na kaban ng bayan. Ang pagkakaisa ng mga magnanakaw upang manatili sa kapangyarihan ay hindi pagkakaisa para sa sambayanang Pilipino. Higit na nakakabahala sa lahat, nagsama-sama pa ang Marcos-Duterte-Arroyo-Estrada, ang Avengers ng katiwalian. Ang tunay na diwa ng pagkakaisa ay mula sa pagkakaisa ng mga tao, ng mga Pilipino at hindi mula sa mga trapong pamumulitika.
6. Ang pahayag na ito ni BBM Spokesperson Vic Rodriguez ay nagpasiklab ng apoy ng historical revisionism. Hindi paninira ang mga panawagan, hindi rin ito kasinungalingan. Responsibilidad ng mga buhay na Marcos ang kanilang mga kinasangkutan at iniwan ng dating pangulo. Kahit na anong baluktot, ang kasaysayan ay mananatiling sumisigaw ng diktador, mamamatay tao, magnanakaw, at sinungaling laban sa Rehimeng Marcos. Tumatakbo pa lamang si Marcos Jr. ngunit sangkot na siya sa katiwalian at nakikitaan na siya ng paulit-ulit na kasinungalingan, dagdag sa pagdikit sa mga bahagi ng .
Katawa-tawa na ang kaisa-isang babae na kumakandidato na minamaliit ng mga sumusuporta kay Marcos Jr. ay ang nanghamon sa kanyang humarap. Mas naging katawa-tawa na ganoon pa ang naging tugon ng kanyang kampo, “na hindi kailanman mangyayari” ang debate.
Patunayan mo sa bayan na ikaw ay karapat-dapat, Bongbong Marcos. Harapin mo ang Pilipino.
Kaisa ang PUP SPEAK sa paghamon ni VP Leni Robredo na dumalo sa debate ang nabanggit na kandidato. Bilang tumatakbong pangulo ng bansa, iparinig mo ang iyong mga plataporma, pakitaan mo kami ng iyong mga nagawa bilang lingkod-bayan, harapin mo ang mga isyu na ibinabato sa iyo, at higit sa lahat, kilalanin at managot ka sa masalimuot na kasaysayan ng Administrasyong Marcos.