22/09/2026
Nais po naming ipaalam sa buong pamayanan ng ating paaralan—sa mga magulang, mag-aaral, at g**o—na agad na umaksyon ang ating pamunuan sa pangunguna ng ating Punong-G**o, Sir Francis G. Baltazar, kaugnay ng natanggap na shooting threat kaninang umaga.
Upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa, nagkaroon po tayo ng mabilis na pakikipag-ugnayan sa ating mga lokal na awtoridad.
Simula bukas, magkakaroon na po ng tiyak na visibility at pagbabantay ang ating mga barangay tanod at pulis sa mismong gate ng ating paaralan.
Kasalukuyan na rin pong isinasagawa ng mga awtoridad ang pagsisiyasat at pag-imbestiga sa identity ng indibidwal na nag-post ng nasabing banta, manatili man itong prank o real threat, upang maging accountable sa batas.
📌 LIGTAS AT OPISYAL NANG MAG-RERESUME ANG ATING MGA KLASE BUKAS.
Maraming salamat po sa patuloy na pag-unawa, pakikipagtulungan, at pagtitiwala sa ating pamunuan. Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral ang mananatiling ating pinakamataas na prayoridad.
Para sa inyong kaalaman at gabay.
– Pamunuan ng Paaralan