15/07/2026
Kilalanin ang huling makakasama natin sa panalo!
Isang negosyante at kasalukuyang Presidente ng Homeowners Association ng Phase 1A at 1A Annex ng San Lorenzo South Subdivision, Brgy. Malitlit. Maaaring hindi siya pinalad sa mga nakaraang laban, pero hindi iyon naging dahilan para tumigil siya sa paglilingkod. Mas pinili niyang manatiling present, madaling lapitan, at laging maaasahan ng mga kabarangay.
Ngayon, handa siyang tumayo bilang ama ng ating barangay. Bitbit ang kanyang malawak na karanasan, sisiguraduhin niyang walang maiiwan at ang lahat ay mananalo. Dahil para sa kanya, ang tunay na panalo ay kapag ang bawat kabarangay ay nararamdaman na may kasama sila at may maaasahan sila sa oras ng pangangailangan.
Isang lider na hindi lang handang mamuno, kundi handang makinig, kumilos, at siguraduhing walang maiiwan sa pag-abot ng serbisyo — Pres. Darwin “DCD” Dela Cruz!