13/08/2026
CLASH FOR UNITY: APLAYA ML CUP 2026
Inihahandog ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Aplaya bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.
Date: August 23, 2026 (Sunday)
TEMA:
“Kabataang Aplaya: Sama-samang Lumalaban, Sama-samang Nagtatagumpay.”
Makilahok sa isang masaya at makabuluhang paligsahan na naglalayong linangin ang pagtutulungan, komunikasyon, disiplina, estratehikong pag-iisip, at pagkakaisa ng kabataan sa pamamagitan ng Mobile Legends.
MGA PANUNTUNAN
• Ang bawat team ay binubuo ng 6 na miyembro (5 main players + 1 reserve).
• Ang lahat ng miyembro ay kailangang residente ng Barangay Aplaya.
• Isang registration form lamang ang kailangang isumite kada team.
• Kailangang kumpletuhin ang lahat ng requirements bago ang itinakdang deadline.
• Limitado lamang sa 16 teams ang maaaring sumali.
• First come, first served.
• No requirements, no play.
KWALIPIKASYON
• Edad: 15–30 taong gulang
• Bukas sa lahat ng kasarian
• Residente ng Barangay Aplaya
• 6 na miyembro bawat team (5 main + 1 reserve)
PAANO SUMALI?
Step 1: Mag-fill up ng Google Registration Form upang makapagparehistro.
Isang miyembro lamang ng team ang kailangang mag-fill out at maaaring ilagay ang buong pangalan ng lahat ng miyembro.
Google Form: https://forms.gle/mHEqGzmPSeAz5sVJ9
Step 2: Isumite ang mga sumusunod na requirements sa SK Office:
• Voter’s ID o Voter’s Certification
• Valid ID na may address sa Barangay Aplaya
Deadline ng Requirements Submission:
August 21, 2026
SK Office, Barangay Aplaya
IMPORTANTENG PAALALA
Ang lahat ng kalahok ay kinakailangang magsumite ng kumpletong requirements bago ang deadline.
NO REQUIREMENTS, NO PLAY.
Para sa karagdagang tanong o detalye, mag-message lamang sa official page - Sangguniang Kabataan ng Barangay Aplaya 2023
Makilahok. Makipagtulungan. Maglaro nang may respeto. Sama-samang lumaban, sama-samang magtagumpay.