Santa Rosa City Health Office II

Directions

Santa Rosa City Health Office II The Official page of City Health Office II, City of Santa Rosa, Laguna

DOH: PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES
06/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG PAMILYA SA MALA-TRANGKASONG SAKIT NA MAY KASAMANG UBO AT SIPON O INFLUENZA-LIKE ILLNESSES

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INITAng El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karaga...
05/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.

Ipinagdiriwang ang Breastfeeding (Pagpapasuso) at Family Planning Month (Pagpaplano ng pamilya)  tuwing buwan ng Agosto....
02/10/2026

Ipinagdiriwang ang Breastfeeding (Pagpapasuso) at Family Planning Month (Pagpaplano ng pamilya) tuwing buwan ng Agosto. Binibigyan ng kahalagahan sa buwan na ito ang mga benepisyo ng pagpapasuso at mga kabutihan naidudulot ng family planning.

Ginanap ang Buntis Congress noong ika-25 ng Setyembre ng taong 2026 sa Waltermart - Balibago, City of Santa Rosa, Laguna. Ito ay dinaluhan ng dalawang daan (200) mga kababaihang na nagdadalang-tao. Tinalakay ng panauhing pandangal na si Dra. Sarah Jane Lapuz, FPOGS, isang Obstetrician at Gynecologist ang mga hakbang para sa malusog na pagbubuntis, benepisyong hatid ng Breastfeeding at Family Planning. Ang kahalagahan ng pag-aalaga ng ngipin habang nagbubuntis ay binigyang diin ni Mr. Iam de Guzman mula Colgate Philippines, Inc.

Namahagi ng Maternal at Baby kit na naglalaman ng mga pangunahing gamit na kailangan pagkatapos manganak at ng sanggol.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng ating Punong Lungsod Arlene B. Arcillas at Pangalawang Punong Lungsod Arnold B. Arcillas.

Maraming salamat sa mga naging bahagi ng pagdiriwang ng Buntis Congress;

Rotary Club - Nuvali
Tokai Rika Philippines, Inc. (TRP)
Toyota Aisin Philippines
Colgate Philippines
Waltermart - Sta Rosa







Bilang tugon ng Hollistic Approach, Inc. ( HAS) sa mandato ng Deparment of Labor and Employment (DOLE)  na magbigay ng  ...
29/09/2026

Bilang tugon ng Hollistic Approach, Inc. ( HAS) sa mandato ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na magbigay ng health lecture para sa mga empleyado tungkol sa kalusugan.

Ang City Health Office II ay nagbigay ng health lecture tungkol sa Tuberculosis at Family Planning noong ika-22 ng Setyembre ng taong 2026 sa mga empleyado ng HAS. Naibahagi ang mga pamamaraan upang makaiwas sa sakit na TB at ang kahalagahan ng pagpplano sa pamilya.

" ang TB ay nakakahawa, ang TB ay nagagamot at ang TB ay hindi dapat ikahiya"

" Pamilyang Planado, Panalo!"







Ang Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health) ay isa mga programa na sinusulong ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH). Ito ay hu...
28/09/2026

Ang Kalusugang Pangkaisipan (Mental Health) ay isa mga programa na sinusulong ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH). Ito ay humuhubog sa ating pag-iisip at pakiramdam at kasing halaga ng pisikal na kalusugan (physical health).

Nagsagawa ng health lecture ang City Health Office II sa mga empleyado ng Tokai Rika Philippines, Inc. (TRP) noong ika-21 ng Setyembre ng taong 2026.

Maraming salamat sa pamunuan ng TRP sa pagbigay halaga sa Kalusugan Pangkaisipan.

Ating pangalagaan ang ating Kalusugang Pangkaisipan.

Ang STI (Sexually Transmitted Infection) / HIV at AIDS ay patuloy na tumataas ang kaso sa buong Pilipinas. Bilang pagtug...
24/09/2026

Ang STI (Sexually Transmitted Infection) / HIV at AIDS ay patuloy na tumataas ang kaso sa buong Pilipinas. Bilang pagtugon sa suliranin ng STI (Sexually Transmitted Infection) / HIV at AIDS, ang HIV/ AIDS team ng City Health Office II ay patuloy sa adbokasiya upang labanan ang pagtaas ng kaso ng HIV sa ating bansa.

Nagsagawa ng pagtuturo tungkol sa STI/ HIV at AIDS at paano ang mga pamamaraan upang makaiwas dito para sa mga empleyado ng Aichi Forge Philippines, Inc. noong ika-17 ng Setyembre ng taong 2026. Nagsagawa din ng HIV screening para sa mga empleyado na ibig malaman ang kanilang HIV status

Maraming salamat sa pamunuan ng Aichi Forge Philippines, Inc. sa kanilang pakiki-isa sa adhikain ng City Health Office II na labanan ang STI/HIV at AIDS para maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso sa Pilipinas.

Naganap noong ika-15 ng Setyembre ng taong 2026 ang Tuberculosis Preventive Treatment Orientation para sa mga Barangay H...
23/09/2026

Naganap noong ika-15 ng Setyembre ng taong 2026 ang Tuberculosis Preventive Treatment Orientation para sa mga Barangay Health Workers at (BHW) at Tuberculosis Program Team ng City Health Office II.

Ito ay isang programa kung saan mabibigyan ng preventive treatment ang mga kasama sa bahay ng taong nag positibo sa TB para maiwasan ang pagkahawa.

Ang TB ay nakakahawa
Ang TB ay nagagamot
Ang TB ay hindi dapat ikahiya







Bilang bahagi ng Gender and Development (GAD) program ng  Aichi Forge Cooperative, Inc., nagsagawa ng health lecture tun...
19/09/2026

Bilang bahagi ng Gender and Development (GAD) program ng Aichi Forge Cooperative, Inc., nagsagawa ng health lecture tungkol sa sakit na Alzheimer's ang Health Education and Promotion Team ng City Health Office II noong ika-11 ng Setyembre ng taong 2026.

Binahagi sa lecture ang pangunahin kaalaman tungkol sa sakit na Alzheimer's at mga paraan upang makaiwas sa sakit na ito.







Nagsagawa ng health lecture tungkol sa Viral Hepatitis ang Health Education and Promotion team ng City Health Office II ...
18/09/2026

Nagsagawa ng health lecture tungkol sa Viral Hepatitis ang Health Education and Promotion team ng City Health Office II noong ika-10 ng Setyembre ng taong 2026 sa Aichi Forging, Inc. Tinalakay dito ang mga ibat-ibang uri ng Viral Hepatitis at ang mga pamamaraan sa pag-iwas sa sakit na ito.

Maraming salamat sa pamunuan ng Aichi Forging, Inc. sa pagbibigay halaga sa mga programa ng City Health office II.







Ang  Drug Free Workplace ay isa sa mga sinusulong ng R.A. no. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). ito ay may layun...
17/09/2026

Ang Drug Free Workplace ay isa sa mga sinusulong ng R.A. no. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act). ito ay may layunin na magtaguyod ng ligtas at malusog na lugar ng tabaho na mahigpit na pinag babawal ang pag-gamit, pagbebenta at posesyon ng mga pinagbabawal na gamot sa lahat ng publikong at pribadong tangapan. Sinusulong din ng batas na maibahagi ang masamang epekto ng droga sa kalusugang pangkaisipan, pisikal na kalusugan at masamang dulot nito sa ating komunidad.

Nagsagawa ng pagtuturo tungkol sa drug free workplace ang Drug Free workplace team ng City Health Office II sa mga empleyado ng Chroma Asia Philippines, Inc. noong ika -9 ng Setyembre ng taong 2026.







Address

CITY HEALTH OFFICE II Brgy. Balibago
Santa Rosa
4026

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Rosa City Health Office II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share