03/08/2026
Matagumpay na idinaos ang 52nd Nutrition Month noong Hulyo 28, 2026 sa Santa Rosa Municipal Gymnasium na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!", naging sentro ng programa ang pagsusulong ng malusog na pamumuhay na sinasabayan ng responsableng pag-aalaga sa ating kapaligiran.
Upang mas palalimin ang kaalaman ng komunidad, naging siksik sa impormasyon at aksyon ang ginanap na programa:
Orientation on Nutrition β tinalakay ni Ms. Ma. Victoria G. Cruz ang mga tamang gawi sa nutrisyon.
Info Kalikasan β ibinahagi ni Engr. Mary Jane S. Yunun ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
Distribution of Seedlings β namahagi ng mga binhi upang hikayatin ang komunidad na magtanim at makiisa sa pagpapayabong ng kalikasan.
Naging mas makabuluhan ang araw na ito dahil sa pagpapaabot ng suporta ng mga lokal na opisyales sa pangunguna nina Mayor Christopher F. Aguilar, Vice Mayor Richard D. Dimacali, Municipal Administrator Demetrio Ramos at Sangguniang Bayan Members.
Nagbahagi rin ng kaniyang kaalaman at mensahe si Ms. Lourdes R. Lajom mula sa Department of Agriculture at nagbahagi ng suporta sina Sir Philip Nambio mula rin sa Department of Agriculture, gayundin si Ms. Flavianna Elisan, Presidente ng BHW.
NUTRI-DANCE CONTEST HIGHLIGHTS
Tampok din sa pagdiriwang ang inaabangang Nutri-Dance Contest kung saan nagpakitang-gilas ang limang grupo: Mountain Side, San Mariano, San Gregorio, Riverside, at Rajal. Masusing kinilatis ang kanilang mga presentasyon ng mga magigiting na hurado na sina Ms. Myra Dacula (Social Welfare Assistant), Ms. Bernadette Oteyza (Home Management Technologist), at Ms. Nerissa Gonzales (MSWD Staff).
Isang mainit na pagbati ang ipinaaabot sa San Gregorio Group sa kanilang pagkakapanalo bilang Kampeon sa patimpalak na ito! Ang kanilang ipinamalas na husay at enerhiya sa pag-indayog ay tunay na karapat-dapat sa nasabing karangalan. Pinupuri rin ang lahat ng mga grupong nakiisa at nagbigay ng natatanging kulay sa kumpetisyon.
Ang matagumpay na kaganapang ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa masikap na pangunguna nina Ms. Irene A. Lorenzo , MSWDO at Ms. Marilou R. Regoso, CDW Focal, katuwang ang dedikasyon ng buong pwersa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) staff.
Pinasasalamatan din ang mga naging tagapagdaloy ng programa na sina Ms. Krizziah Candy Silvestre at Ms. Aprilyn Gutierrez.
Patuloy nating isulong ang malusog na pangangatawan at luntiang kapaligiran! π