07/07/2026
🏸 2nd Don Jose Badminton League 2026 🏸
Isang matagumpay na dalawang araw ng sportsmanship, pagkakaisa, at pagpapakita ng talento ang nasaksihan sa 2nd Don Jose Badminton League 2026, na ginanap noong July 4–5, 2026 sa Laguna Belair 1 dahil halos 90 na participants Ang nakilahok sa Beginner, Intermediate,Pro at Adult Level. Ito ay Testamento na kung saan Hindi lang Basketball at Volleyball Ang dapat pagtuunan ng pansin pag dating sa sports kundi Marami ding sports tulad ng Badminton Ang nahuhumaling Ang mga Kabataan ng ating barangay.
Ang paligsahang ito ay proyekto ni Aspiring SK Kagawad Aldrin John Batusin Rotubio, na buong pusong sinuportahan ng Team Bagong Kabataan sa pangunguna ni Aspiring SK Chairwoman Sandara Soliven Arellano.
Maraming salamat sa lahat ng mga manlalaro, organizers, volunteers, sponsors, at sa bawat residenteng nakiisa at nagbigay-suporta upang maging matagumpay ang ating liga. Ang inyong partisipasyon ang patunay na sa pamamagitan ng sports, mas napapalakas ang samahan at pagkakaisa ng ating kabataan at komunidad.
Congratulations sa lahat ng mga nanalo at saludo sa bawat kalahok na nagpakita ng dedikasyon, disiplina, at tunay na sportsmanship. Hanggang sa susunod na Don Jose Badminton League 2026!
Special Mention sa ating Sponsors na sina Konsehal Jojo Batusin,Cesar Garcia,Cristy Marasigan,Ariel Soliven, Pres.Maui Soliven,Mr,Reymundo Mallari at Sk Kagawad Maru Manto. Maraming Salamat Po sa inyong Supporta dahil kundi sainyo Hindi Po magiging possible Ang proyektong ito!