01/06/2026
May 31, 2026
BRIGADA ESKWELA / CLEAN-UP DRIVE
Caingin Elementary School (CES)
Matagumpay na nagsagawa ng Brigada Eskwela at Clean-Up Drive sa Caingin Elementary School (CES) sa pangunguna ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity Caingin Chapter bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang gawaing ito ay buong pusong sinuportahan ng ating butihing Kapitan Edwin Baldonado Servo at ng Sangguniang Barangay Caingin bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagtulong at pakikiisa sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral at ng komunidad.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at bayanihan, naging mas malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng paaralan para sa mga mag-aaral, g**o, at mga magulang.
Maraming salamat sa lahat ng miyembro ng Tau Gamma Phi Triskelions' Grand Fraternity Caingin Chapter at sa lahat ng mga boluntaryong nakiisa sa gawaing ito. Nawa'y patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong mapabuti ang ating komunidad at edukasyon.
Sama-sama para sa malinis at maayos na paaralan para sa ating mga kabataan! ๐๐๐งน
"Epektibong Serbisyo para sa Bagong Caingin" โค๏ธ๐๐ค