04/09/2026
ALAMIN ANG HEAVY RAINFALL WARNING SYSTEM
Kapag inaasahang magtatagal o lalakas ang pag-ulan, naglalabas ang DOST-PAGASA ng color-coded Heavy Rainfall Warning upang ipaalam sa publiko ang posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
๐ฆ๏ธ RAINFALL ADVISORY
MAGING MAPAGMATYAG
Ang pag-ulan ay hindi pa umaabot sa Heavy Rainfall Warning level, ngunit maaari pa ring magkaroon ng mahina hanggang katamtamang ulan.
Ano ang dapat gawin?
โข Patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon.
โข Mag-ingat sa pagbiyahe at panlabas na aktibidad.
โข Abangan ang susunod na abiso ng PAGASA at lokal na pamahalaan.
๐ก YELLOW WARNING
MAGING ALERTO | COMMUNITY AWARENESS
Posible ang pagbaha sa mabababang lugar at mga lugar na malapit sa ilog o daluyan ng tubig.
Ano ang dapat gawin?
โข Bantayan ang pagtaas ng tubig.
โข Ihanda ang mahahalagang gamit at emergency go bag.
โข Iwasan ang mga lugar na madaling bahain.
โข Patuloy na makinig sa mga opisyal na abiso.
๐ ORANGE WARNING
MAGHANDA | COMMUNITY PREPAREDNESS
May pagbaha na sa ilang lugar at tumataas ang posibilidad ng pagguho ng lupa sa mga landslide-prone areas.
Ano ang dapat gawin?
โข Maging handa sa posibleng paglikas.
โข Ilipat sa ligtas na lugar ang pamilya, sasakyan at mahahalagang gamit kung kinakailangan.
โข Huwag tumawid sa baha o rumaragasang tubig.
โข Sundin agad ang abiso ng mga awtoridad.
๐ด RED WARNING
KUMILOS AGAD | COMMUNITY RESPONSE
Posible o nararanasan na ang malawakan at matinding pagbaha. Maaaring hindi na madaanan ang ilang kalsada at mataas din ang panganib ng pagguho ng lupa.
Ano ang dapat gawin?
โข Lumikas agad kung inaatasan ng mga awtoridad.
โข Pumunta sa ligtas at mataas na lugar.
โข Huwag nang subukang tumawid o bumiyahe sa baha.
โข Unahin ang kaligtasan ng mga bata, senior citizens, PWDs at iba pang vulnerable members ng pamilya.
โฑ๏ธ TANDAAN
Ang Heavy Rainfall Warning ay karaniwang valid sa loob ng 3 oras mula sa oras ng paglabas at maaaring i-update depende sa lagay ng panahon.
Yellow = Magmatyag
Orange = Maghanda
Red = Kumilos
๐ข Huwag hintaying tumaas ang tubig bago kumilos.
Manatiling updated lamang sa mga opisyal na impormasyon mula sa PAGASA at inyong lokal na pamahalaan.
Maging alerto. Maging handa. Manatiling ligtas.
๐ฆ