25/05/2026
βNililinaw lamang po natin na hindi lahat ay awtomatikong nabibigyan ng Certificate of indigency. Ito po ay ibinibigay lamang sa mga kwalipikado at may sapat na supporting documents na nagpapatunay na kailangan nila ng assistance. Sa ganitong paraan, nasisiguro nating ang benepisyong ipinagkakaloob ng gobyerno ay tunay na napupunta sa mga higit na nangangailangan. Bukod dito, mahalaga rin ang maayos na koordinasyon sa barangay upang maiwasan ang kalituhan at biglaang dagsa ng kumukuha ng dokumento nang walang pormal na abiso mula sa kinauukulang opisyal o ahensya. Ang pagiging maingat at masinop sa proseso ay hindi pamumulitika β ito ay responsableng pamamahala at patas na serbisyo..
Ang bawat pondong nagmumula sa gobyerno ay mula sa buwis ng mamamayan. Kaya nararapat lamang na ito ay hindi naaabuso o nagagamit para sa pansariling interes at pamumulitika ng sinumang opisyal. Ang tulong ng bayan ay dapat mapunta sa mga tunay na nangangailangan β hindi sa mga ginagamit lamang upang magpalakas ng impluwensya o interes pampolitika.
Kung tunay ang hangarin na makatulong, dapat ang pamamahagi ng ayuda at benepisyo ay dumadaan sa tamang proseso, sapat na beripikasyon, at maayos na koordinasyon sa mga kinauukulang tanggapan at opisyal na tunay na nakakakilala sa sitwasyon ng mamamayan. Hindi maaaring basta ipagkatiwala sa mga taong walang sapat na kaalaman sa tunay na kalagayan ng mga humihingi ng tulong, dahil nagiging daan ito upang maabuso ang pondo ng bayan at magamit sa pansariling layunin.