08/09/2026
Pag tugon sa pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha, nagsagawa ang POSO - MCOG ng paghahatid ng mga kahoy na gagawing pansamantalang tulay para sa mga lugar na lubog sa baha. Ito ay sa pangunguna ng ating POSO Head Sir Gene M. Eugenio, MSCJ at Sir Bien Pia.
Ang mga ito ay ibinaba sa Barangay Hall ng Barangay Aplaya at Barangay Caingin para sa agarang paggamit at pagtugon sa pangangailangan ng mga residente.
Patuloy ang POSO - MCOG sa serbisyo at agarang pagtugon para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.