Brgy. Tagapoofficial2013

Brgy. Tagapoofficial2013 This is the OFFICIAL Page of BRGY. TAGAPO, City of Santa Rosa, Laguna
Just LIKE this page and you will be updated on PROGRAMS of the Brgy. Council. Kgg. ALDRIN M.

LUMAGUE- Brgy Captain

Brgy. Councilors:
Kgg. Marvin B. Ambas
Kgg. Rolando A. Bato
Kgg. Nicanor H. Delos Reyes
Kgg. Leonardo M. Lianza
Kgg. Manuel G. Alon
Kgg. Pepito DC. Tatlonghari
Kgg. Josefino M. Adato

Mr. Ramon S. Villanueva- Brgy. Secretary
Mr. Jaime G. Escueta- Brgy. Treasurer

01/09/2020
05/08/2020
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3555964047755235&id=141286865889654&sfnsn=mo
26/07/2020

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3555964047755235&id=141286865889654&sfnsn=mo

Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, ipinaa-abot ko po ang isang marubdob na pakikiramay sa pamilya at sa buong Barangay Tagapo sa pagpapanaw ni PUNONG BARANGAY ALDRIN LUMAGUE.

Pinamunuan po ni Kapitan Aldrin ng buong husay at katapatan ang Barangay Tagapo sa panahon ng kanyang pamumuno simula 2013. Patunay dito ang mga pagkilala at awards na iginawad sa kanya at sa barangay.

Isinulong din ni Kapitan Aldrin ang kagalingan ng mga barangay sa panahon na siya ay nagsilbi sa Sangguniang Panlungsod bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay ng Lungsod.

Ang iniwan na pamana ni Kapitan Aldrin ang siyang magiging inspirasyon upang ang Barangay Tagapo ay patuloy na maging huwarang barangay sa Lungsod ng Santa Rosa.

Taimtim na panalangin ang aking ini-aalay para sa iyong kapayapaan at para sa iyong mga naiwan na mahal sa buhay.

Kapitan Aldrin, maraming maraming salamat sa iyong serbisyo at mabubuting alaala na iyong iniwan.

Para po sa lahat ng ating mga Ka-Barangay at mga Kaibigan,ang Basketball Court po sa ating Barangay ay bukas para sa lah...
26/07/2020

Para po sa lahat ng ating mga Ka-Barangay at mga Kaibigan,
ang Basketball Court po sa ating Barangay ay bukas para sa lahat ng nais magpaabot ng kanilang pakikiramay dahil sa pagpanaw ng ating mahal na Kapitan ALDRIN M. LUMAGUE..

Schedule:
Hulyo 26, 2020 (Linggo) - Agosto 1, 2020 (Sabado)
Mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM

Pinakikiusapan po ang lahat na magsuot po ng FACEMASK at istriktong isagawa ang SOCIAL DISTANCING.

Maraming Salamat Po.

Kinalulungkot po naming ibalita sa lahat na ang ating mahal na Punong Barangay Kapitan Aldrin M. Lumague, ay kasama na n...
25/07/2020

Kinalulungkot po naming ibalita sa lahat na ang ating mahal na Punong Barangay Kapitan Aldrin M. Lumague, ay kasama na ng ating Panginoon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nawalan tayo ng isang ama, ng isang kaibigan, ng isang Lingkod Bayan.

Kami ay nakikiusap sa lahat na samahan ninyo kaming ipagdasal ang kaluluwa ng ating mahal na Kapitan.

Magkakaroon ng Live Feed ng Misa para sa ating mahal na Kap. Aldrin Lumague sa Official Page ng Brgy. Tagapo (Brgy. Tagapoofficial2013) ngayong araw. Sa lahat ng mga nagnanais na makiisa ay maaari nyo kaming samahan sa pagdarasal sa inyong tahanan.

Salamat, Kapitan Aldrin. Mahal na mahal ka namin.

21/07/2020

BASAHIN | PARA SA KAALAMAN NG PUBLIKO

PALUGIT SA PANSAMANTALANG PAGSASARA NG SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL

Ipinababatid po sa lahat na mananatiling sarado ang SANTA ROSA COMMUNITY HOSPITAL simula ika-21 ng Hulyo hanggang ika- 2 ng Agosto.

Ito ay upang masiguro na maging ligtas ating ospital dahil mayroon nang health workers ang ospital ang nagpositibo sa COVID-19. Samantala, hinihintay pa ang resulta ng test ng iba pang mga kawani ng ospital.

Kasama sa pansamantalang pagsasara ang DIALYSIS CENTER ng SRCH upang maiwasan na mahawa ang tumatangkilik ng ating serbisyo.

Ang regular na 13 pasyente ng Dialysis Center ay bibigyan ng referral at endorsement sa ibang pasilidad at sasagutin ng Pamahalaang Lungsod ang kinakailangan treatment sa panahon na sarado ang ating Dialysis Center. Ang mga nasabing pasyente ay isasa-ilalim din sa swab test para matukoy kung sila maaaring makapagpagamot sa ibang pasilidad.

Ang mga nag-positibo natin na health workers ay kasalukuyang naka-admit sa COVID-19 Building (MAB) ng SRCH. Ang iba na naghihintay ng resulta ay naka-home quarantine o nasa isolation unit.

Umasa po ang publiko na handa ang Santa Rosa Community Hospital na muling magbukas at magsilbi sa mamamayan oras na masiguro ang kalusugan ng ating mga health workers at malinis na ang pasilidad dito.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

ARLENE B. ARCILLAS
Punonglungsod






18/07/2020
16/07/2020
Para po sa inyong kaalaman, mga Ka-Barangay!
13/07/2020

Para po sa inyong kaalaman, mga Ka-Barangay!

12/07/2020

ANNOUNCEMENT | FROM CITY VETERINARY OFFICE

Address

Brgy, Tagapo, J. P. Rizal Boulevard
Santa Rosa
4026

Telephone

(049) 534-5751

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Tagapoofficial2013 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share