12/05/2025
Magandang Umaga Lungsod ng Santiago!
Salubungin natin ang araw na ito ng isang bagong simula.
Ngayong 2025, nasimulan ko ang isang personal na resolution na sa loob ng isang taon pasasalamatan ako araw-araw. Naniniwala ako na mas magaan at masaya ang buhay kapag ang tao ay may pusong mapagpasalamat.
Sa araw na ito, ang mga tumaya sa akin sa halalan 2025 sa lungsod ng Santiago ay aking taos pusong pinasasalamatan ;
Isang malaking karangalan para sa akin ang tumakbo bilang punong lungsod kasama ang aking minamahal na slate ng Team We Live to Serve. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa aming kampanya - sa kanilang oras, lakas, dedikasyon at paniniwala sa aming adhikain para sa Lungsod ng Santiago.
Gayon na rin ang aking pagbati sa koponan ni Mayor Sheena Tan at Coun. RC Co na nanalo sa halalan kahapon. Ang pasya ng mga botante ay malinaw, at buong paggalang ko itong tinatanggap.
Ngayon ang pinakamahalaga ay ang kinabukasan ng ating Lungsod. Ang paglilingkod sa bayan ay laging nangangahulugan ng paglalaan ng prayoridad sa kapakanan ng tao at hinihimok ko ang lahat ng residente sa bagong simula sa pagsuporta sa mga bagong pinahiraman ng kapangyarihan dito sa Lungsod ng Santiago.
Maraming salamat sa aking pamilya, sa Team We Live to Serve. Ipinagmamalaki ko ang ating isinagawang kampanya - isang kampanyang nakatuon sa mga pangarap na galing sa taong bayan, may dignidad , paggalang, at pagmamahal sa ating bayan.
Muli, binabati ko ang bawat botante na lumahok sa demokratikong prosesong ito at sa lahat ng nanalo, nawa’y pagpalain kayo sa inyong mahalagang tungkulin sa Lungsod ng Santiago.
- AJAR