26/08/2026
TINGNAN | SANTIAGO CITY BALAMBAN CULTURAL DANCE TROUPE, ITINAMPOK ANG KULTURA NG REHIYON II
Muling nagpakita ng husay sa larangan ng pagsasayaw ang Santiago City Balamban Cultural Dance Troupe (SCBCDT) sa ginanap na 20th Padday na Lima Regional Trade Fair noong Agosto 24, 2026 sa Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City.
Bitbit ang makulay na kultura at tradisyon ng Lambak ng Cagayan, itinanghal ng Santiago City Balamban Cultural Dance Troupe ang Dances of Region II, na sinundan ng Doxology at isang makabuluhang pagtatanghal na nagbigay-buhay sa mayamang kultura at pagkakakilanlan ng Rehiyon II.
Naging bahagi rin ng makasaysayang pagdiriwang ang 20th Padday na Lima Fashion Show: “Hibla’t Habing Rehiyon Dos: Padday na Lima Collections,” na nagtatampok sa malikhaing paggamit ng mga lokal na materyales at tradisyunal na paghahabi sa makabagong disenyo.
Sa loob ng dalawang dekada, patuloy na nagsisilbing tanghalan ang Padday na Lima para sa mga produkto, talento, kultura, at pagkamalikhain ng mga mamamayan. Sa pamamagitan ng bawat pagtatanghal, muling naipapaalala na ang kultura ay isang buhay na pamana—patuloy na ipinagmamalaki, pinayayaman, at ipinapasa sa susunod na salinlahi.