Sangguniang Kabataan Ng Calaocan

Sangguniang Kabataan Ng Calaocan Para sa tapat at malinis na pag-gogobyerno✨

PROJECT TANIM PAG-ASA | Sama-Sama Para sa Mas Luntian at Mas Maunlad na Kinabukasan!πŸŒ±πŸŒ³πŸ’šKahapon, Linggo, Agosto 16, 2026,...
17/08/2026

PROJECT TANIM PAG-ASA | Sama-Sama Para sa Mas Luntian at Mas Maunlad na Kinabukasan!πŸŒ±πŸŒ³πŸ’š

Kahapon, Linggo, Agosto 16, 2026, matagumpay nating naisagawa ang Project Tanim Pag-asa sa Sitio Pata, Purok 5, Barangay Calaocan, Santiago City, kung saan nakapagtanim tayo ng 15 pirasong punong Narra.

Ang programang ito ay sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Council ng Calaocan sa liderato ni SK Chairperson Hon. Mark Darryl S. Mactal, katuwang ang ating mga masisipag na youth volunteers at ang Tau Gamma Calaocan Chapter. Nakiisa rin sa makabuluhang aktibidad na ito si Sangguniang Barangay Member Hon. Baltazar T. Andres at ang ating Punong Barangay Hon. Quintin J. Romero.

Lubos po ang aming pasasalamat sa 50 na kabataan na naglaan ng kanilang oras, lakas, at malasakit upang makiisa sa ating tree-growing activity. Ang inyong pakikiisa ay patunay na kapag tayo ay sama-samang kumilos, makakalikha tayo ng magandang pagbabago para sa ating komunidad at sa susunod na henerasyon.

Ang Project Tanim Pag-asa ay bahagi ng ating mga aktibidad bilang paggunita sa Buwan ng Kabataan ngayong Agosto. Nawa’y ang bawat punong ating itinanim ay maging simbolo ng pag-asa, pagkakaisa, at pangangalaga sa kalikasan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa!

At hindi pa dito nagtatapos ang ating mga gawain! πŸ‘€
Antabayanan ninyo ang iba pa nating nakalinyang programa ngayong Buwan ng Kabataan!



KABATAAN, PARA SA ATIN β€˜TO!BUWAN NG KABATAAN 2026Hindi lang puro β€œseen” at β€œreact”  this time, makisali naman tayo!Panah...
09/08/2026

KABATAAN, PARA SA ATIN β€˜TO!
BUWAN NG KABATAAN 2026
Hindi lang puro β€œseen” at β€œreact” this time, makisali naman tayo!
Panahon na para lumabas sa bahay, makipagkaibigan, ipakita ang talento, makisaya, magbahagi ng ideas, at higit sa lahat, maging bahagi ng mga bagay na may kabuluhan.
May gustong sabihin? Magsalita
May talent? Ipakita
May idea? I-share
Gusto mong tumulong? Sumali
Gusto mong gumawa ng pagbabago? Simulan natin!
Dahil ang pagiging kabataan ay hindi lang tungkol sa edadβ€” tungkol ito sa tapang na mangarap, lakas na kumilos, at puso na makiisa.πŸ’―

Kaya, Calaocan Youth, nasaan na kayo?πŸ‘€
Tara na! Makisaya. Makilahok. Makibahagi.
BUWAN NG KABATAAN NG CALAOCAN β€” KALAHOK KA!



KABATAAN, PARA SA ATIN β€˜TO!BUWAN NG KABATAAN 2026Hindi lang puro β€œseen” at β€œreact”  this time, makisali naman tayo!Panah...
09/08/2026

KABATAAN, PARA SA ATIN β€˜TO!

BUWAN NG KABATAAN 2026

Hindi lang puro β€œseen” at β€œreact” this time, makisali naman tayo!

Panahon na para lumabas sa bahay, makipagkaibigan, ipakita ang talento, makisaya, magbahagi ng ideas, at higit sa lahat, maging bahagi ng mga bagay na may kabuluhan.

May gustong sabihin? Magsalita
May talent? Ipakita
May idea? I-share
Gusto mong tumulong? Sumali
Gusto mong gumawa ng pagbabago? Simulan natin!

Dahil ang pagiging kabataan ay hindi lang tungkol sa edadβ€”
tungkol ito sa tapang na mangarap, lakas na kumilos, at puso na makiisa.πŸ’―

Kaya, Calaocan Youth, nasaan na kayo?πŸ‘€
Tara na! Makisaya. Makilahok. Makibahagi.

BUWAN NG KABATAAN NG CALAOCAN β€” KALAHOK KA!



30/07/2026

CALL FOR APPLICATIONS! πŸ“’πŸ“’πŸ“’

BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP
(Presidential Scholarship)

Mga Requirements:

1. Ang mga aplikante ay hindi dapat kasalukuyang tumatanggap ng anumang scholarship mula sa alinmang ahensya ng pamahalaan o pribadong institusyon.

2. Ang mga aplikante ay dapat na papasok sa Ikaapat na Taon (Fourth Year) sa Kolehiyo.

3. Ang mga aplikante ay dapat na regular na mag-aaral.

4.Bibigyan ng prayoridad ang mga mag-aaral na ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga ay may limitadong kakayahang pinansyal upang matustusan ang kanilang pag-aaral.

5. Ang bawat aplikante ay kinakailangang kumuha at magsumite ng Sertipikasyon mula sa Paaralan na nagpapatunay na:
ang mag-aaral ay kasalukuyang nakatala bilang REGULAR na estudyante; at ang mag-aaral ay WALANG KASALUKUYANG tinatanggap na scholarship mula sa alinmang institusyon.

example of content of school cert:

CERTIFICATION

To: Office of the Punong Barangay, Secretary and Treasurer
Barangay Calaocan, Santiago City

This is to certify that [name of student], [age], [incoming 4th Year and Course] , a resident of Purok ___, Barangay Calaocan, Santiago City.

Certifying further that the above-named person is a regularly enrolled student of this institution and is not a recipient of any scholarship from either a private or public organization/institution.

This certification is issued upon the request of [name of student] as a requirement for BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG SCHOLARSHIP
(Presidential Scholarship).

Kung higit sa limang (5) aplikante ang makakapasa sa itinakdang kwalipikasyon, ang limang (5) benepisyaryo ay pipiliin sa pamamagitan ng draw lots (bunutan) na pangangasiwaan ng Scholarship Screening Committee upang matiyak ang patas at transparent na proseso ng pagpili.

β€”β€”β€”β€”-
Ang requirements po ay ipapasa sa Office of the Punong Barangay, Treasurer and Secretary.

Sa mga karagdagang katanungan maaari po magtungo sa aming opisina.

Patungkol po sa deadline ng pasahan ay iaannounce po namin ito sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po.

YOUR VOTE MATTERS SANGGUNIANG KABATAAN NG CALAOCANReady ka na bang bumotoβ€”o baka gusto mo ring tumakbo, Kabataan ng Cala...
24/07/2026

YOUR VOTE MATTERS SANGGUNIANG KABATAAN NG CALAOCAN

Ready ka na bang bumotoβ€”o baka gusto mo ring tumakbo, Kabataan ng Calaocan?
Huwag kalilimutan ang ating Sangguniang Kabataan Special Election ngayong Linggo! Sama-sama nating piliin at buuin ang mga bagong kinatawan na magsusulong ng ating mga adhikain sa Sangguniang Kabataan.

EVENT DETAILS:
Date: July 26, 2026 | Sunday
Time: 5:00 PM
Venue: Barangay Hall of Calaocan

CANDIDATES FOR SK MEMBER:
β€’ Lady Heart De Leon
β€’ Felicity Miles Concepcion
β€’ Mark Angelo Joson
β€’ Jeny Girl Catabona
β€’ Trisha May Ablaza

Subukan na at maging bahagi ng pagbabago!

Pumunta nang maaga sa Linggo at gamitin ang iyong karapatang bumoto! See you!

Kabataan ng Barangay Calaocan, handa na ba kayo? Ngayong Agosto, sama-sama nating ipagdiriwang ang Buwan ng Kabataan 202...
22/07/2026

Kabataan ng Barangay Calaocan, handa na ba kayo?

Ngayong Agosto, sama-sama nating ipagdiriwang ang Buwan ng Kabataan 2026!

Marami pang mga programa, palaro, at mga sorpresa ang aming inihahanda para sa inyo.

Maaaring tumutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo at kumpletong detalye.

SANGGUNIANG KABATAAN NG CALAOCAN SPECIAL ELECTION!May dalawang bakanteng SK Member (SK Kagawad) positions na naghihintay...
16/07/2026

SANGGUNIANG KABATAAN NG CALAOCAN SPECIAL ELECTION!

May dalawang bakanteng SK Member (SK Kagawad) positions na naghihintay sa’yo! πŸ’™πŸ’›

Baka ikaw na ang next youth leader na maglilingkod at magiging boses ng kabataan ng Barangay Calaocan!

πŸ‘₯ Who can run?
βœ… Mga miyembro ng Katipunan ng Kabataan (KK) na 18–24 years old (must NOT be over 24 years old on the day of the election).

πŸ“ Requirements:
β€’ Photocopy of Birth Certificate
β€’ Certificate of Residency
β€’ Voter’s ID or COMELEC Certification
β€’ Certificate of Candidacy (available sa SK Office)

πŸ“– Legal Basis:
Ang Special Election ay alinsunod sa Republic Act No. 10742 at DILG–NYC Joint Memorandum Circular No. 2022-033 upang mapunan ang mga bakanteng posisyon sa SK at mapanatili ang quorum ng konseho.

πŸ“ Venue: Barangay Hall of Calaocan
πŸ—“οΈ Date: July 26, 2026
⏰ Time: 5:00 PM onwards

Step up. Lead. Serve. Be the voice of the youth!

π—žπ—”π—§π—œπ—£π—¨π—‘π—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘ (π—žπ—ž) π—”π—¦π—¦π—˜π— π—•π—Ÿπ—¬ π—”π—‘π—‘π—’π—¨π—‘π—–π—˜π— π—˜π—‘π—§Hello, KK Members ng Barangay Calaocan!Inaanyayahan namin kayong lahat n...
16/07/2026

π—žπ—”π—§π—œπ—£π—¨π—‘π—”π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘ (π—žπ—ž) π—”π—¦π—¦π—˜π— π—•π—Ÿπ—¬ π—”π—‘π—‘π—’π—¨π—‘π—–π—˜π— π—˜π—‘π—§

Hello, KK Members ng Barangay Calaocan!

Inaanyayahan namin kayong lahat na makiisa sa ating upcoming KK Assembly, kung saan pag-uusapan natin ang iba’t ibang programs, initiatives, at opportunities na makakatulong at magbibigay ng mas maraming pagkakataon para sa ating kabataan.

Sa kabila ng mga unexpected challenges at mga nangyari nitong mga nakaraang panahon, nananatiling committed ang Sangguniang Kabataan ng Calaocan sa pagbibigay ng tapat na serbisyo. Hindi magiging hadlang ang anumang pagsubok sa ating layunin. Sa halip, ito ang magsisilbing inspirasyon para mas pagbutihin pa natin ang ating trabaho at patuloy na isulong ang ating vision na makabuo ng mas matatag, mas nagkakaisa, at mas empowered na komunidad ng kabataan.

Mahalaga ang inyong presence, participation, at support habang sama-sama nating ipinagpapatuloy ang paggawa ng positive change, pagpapalakas ng boses ng kabataan, at paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa ating henerasyon.

πŸ“… Date: July 26, 2026
πŸ•’ Time: 5:00 PM
πŸ“ Venue: Barangay Calaocan Community Center

Kita kits , KK Members!

π—œπ—žπ—”-𝟳 𝗑𝗔 π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—₯ 𝗑𝗔 π—¦π—˜π—¦π—¬π—’π—‘ π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘Isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calaocan ang kanilang Ik...
06/07/2026

π—œπ—žπ—”-𝟳 𝗑𝗔 π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—₯ 𝗑𝗔 π—¦π—˜π—¦π—¬π—’π—‘ π—‘π—š π—¦π—”π—‘π—šπ—šπ—¨π—‘π—œπ—”π—‘π—š π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘

Isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Calaocan ang kanilang Ika-7 Regular na Sesyon kahapon July 5, 2026 sa Session Hall ng Barangay Calaocan, Santiago City.

Ang sesyong ito ay naging kauna-unahang regular na pagpupulong sa ilalim ng pamumuno ng bagong SK Chairperson, Hon. Mark Darryl S. Mactal. Kasama ang buong SK Council, tinalakay ang mga plano, programa, at mga hakbang na makatutulong sa pag-unlad at kapakanan ng kabataan ng ating barangay.

Alinsunod sa Republic Act No. 10742 o SK Reform Act of 2015, ang regular na sesyon ay isinasagawa buwan-buwan upang mapag-usapan ang mga pangangailangan ng kabataan at matiyak na maayos at tapat na naipatutupad ang mga proyekto at programa ng Sangguniang Kabataan.

Narito ang attendance ng mga miyembro ng SK Council sa nasabing sesyon bilang patunay ng kanilang patuloy na pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Maraming salamat sa patuloy na suporta ng ating mga kabataan at mamamayan. Sama-sama nating buuin ang isang mas aktibo, mas bukas, at mas maunlad na Barangay Calaocan para sa bawat kabataan.




  | FINALS GAMES!π†π€πŒπ„ 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄: INTER-PUROK BASKETBALL LEAGUEJULY 7, 2026 (TUESDAY)
05/07/2026

| FINALS GAMES!
π†π€πŒπ„ 𝐒𝐂𝐇𝐄𝐃𝐔𝐋𝐄: INTER-PUROK BASKETBALL LEAGUE
JULY 7, 2026 (TUESDAY)

Address

Calaocan
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Ng Calaocan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan Ng Calaocan:

Shortcuts

Share