22/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐
Ngayong Setyembre 21, 2026, ginanap ang Ika-51st Regular Session ng 12th City Council, sa ilalim ng pamumuno ng ating City Vice Mayor Jamayne Tan, bilang Presiding Officer ng sesyon.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang ordinansa, resolusyon, at iba pang usaping may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Santiago at kapakanan ng ating mga mamamayan.
Kabilang din sa ating sinuportahan ang mga panukalang resolusyon na nagbibigay-pagkilala sa mga SK Chairperson, kanilang SK Council, at mga katuwang sa youth development na nagbigay ng karangalan sa ating lungsod sa 2026 Philippine Sangguniang Kabataan Awards.
Kabilang sa mga pinarangalan sina:
โข Hon. Christopher G. Respicio โ SK Federation President of Santiago City
โข Mr. Abdulmoin H. Panglima, Jr. โ OIC Local Youth Development Office of Santiago City
โข Hon. Lucy Claire M. Mateo โ SK Chairperson ng Naggasican, kasama ang kanyang SK Council
โข Hon. Christian James Valdez โ SK Chairperson ng Patul, kasama ang kanyang SK Council
โข Hon. Eliza V. Corpuz โ SK Chairperson ng Rosario, kasama ang kanyang SK Council
Pagpupugay sa kanilang sama-samang tagumpay at natatanging paglilingkod para sa kabataan. Ang pagkilalang ito ay bunga ng kanilang dedikasyon, pakikipagtulungan, at patuloy na pagsisikap na makapaghatid ng mga makabuluhang programa para sa ating mga kabataan at komunidad.
Isang karangalan ang kanilang natamong pagkilala na sumasalamin sa kanilang dedikasyon, pamumuno, at malasakit sa kabataan at komunidad. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang mas marami pang kabataan ang mahikayat na makilahok at maglingkod.
Patuloy tayong makikiisa sa mga hakbang at programang nagsusulong ng kabataan, komunidad, at kapakanan ng bawat Santiagueรฑo.