22/05/2026
ABISO SA PUBLIKO
Land-Based Service Contracting Program
Ipinababatid sa lahat ng onboarded operators at drivers, maging sa mga mananakay, na ang Land-Based Service Contracting Program ay magtatapos sa May 22, 2026, 11:59 PM.
𝐀𝐁𝐈𝐒𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎
𝘓𝘢𝘯𝘥-𝘉𝘢𝘴𝘦𝘥 𝘚𝘦𝘳𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮
Ipinababatid sa lahat ng onboarded operators at drivers, maging sa mga mananakay, na 𝗮𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗻𝗱-𝗕𝗮𝘀𝗲𝗱 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮𝗰𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘆 𝟮𝟮, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝟭𝟭:𝟱𝟵 𝗣𝗠.
Ito ay kasunod ng naunang anunsyo na May 21 ang itinakdang deadline, upang matiyak ang maayos na pagtatapos ng implementasyon at pagbibigay ng sapat na panahon sa lahat ng kalahok na makumpleto ang mga kinakailangang proseso.
Pagkatapos nito, ihihinto na rin ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa implementasyon ng programa, kabilang ang,
• QR Code at manual scanning;
• Pagbibigay ng 20% discount sa ilalim ng programa; at
• Paglalagay at pagpapakita ng official LBSCP tarpaulins, signages, at iba pang identification materials ng programa.
Hinihikayat ang lahat ng onboarded operators, drivers, at stakeholders na patuloy na makiisa at sumunod sa mga alituntunin ng programa upang masigurong maayos na maipatutupad ang lahat ng kaugnay na serbisyo hanggang sa itinakdang deadline.