01/09/2026
BAWAT BARANGAY, MAKIKINABANG PROGRAM
Naganap noong Agosto 28, 2026 ang isang makabuluhang programa sa Barangay Calaocan, Santiago City, ang Awarding of Cash Incentive para sa Bawat Barangay Makikinabang (BBM) โ Presidential Scholarship Program 2026. ๐ต๐ญ๐
Ang programa ay naging pagkakataon upang kilalanin at suportahan ang ating mga kabataang nagsisikap makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon. Ang bawat mag-aaral ay nakatanggap ng tig-20,000 pesos alinsunod sa mandato ng ating pamahalaan. Sila rin ay nabunot mula sa sampung qualified applicants para sa nasabing scholarship opportunity.
Kasabay rin ng aktibidad ang turnover ng mga computer sets at printer para sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA)- Calaocan Chapter at Barangay Health Center ng Barangay Calaocan.
Malaking tulong ang mga kagamitang ito upang higit na mapahusay ang administratibong serbisyo, dokumentasyon, at paghahatid ng mga programa at serbisyo para sa ating mga senior citizens at sa buong komunidad.
Patunay lamang ito na kapag ang serbisyo ay nakatuon sa pangangailangan ng bawat mamamayan, bawat barangay ay tunay na makikinabang.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na aktibidad na ito. Sama-sama nating itaguyod ang edukasyon, makabagong serbisyo, kalusugan, at kapakanan ng buong Barangay Calaocan.
Bawat Barangay, Makikinabang. Bawat Mamamayan, Kasama sa Pag-unlad!