Barangay Rosario, Santiago City

Barangay Rosario, Santiago City Official page of the Sangguniang Barangay Rosario headed by Punong Barangay, Hon. Judy R. Balberan.

06/08/2026

Update | As of August 6, 11:00 PM Wala na pong naitalang TCWS sa Lungsod ng Santiago. na po sa lahat ng antas sa ating mga paaralan.

06/08/2026
πŸ’š PAGKILALA SA KATAPATAN AT KABUTIHANG-LOOB πŸ’šIsang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat kay G. Marlon Galutan, Pangulo ...
06/08/2026

πŸ’š PAGKILALA SA KATAPATAN AT KABUTIHANG-LOOB πŸ’š

Isang taos-pusong pagpupugay at pasasalamat kay G. Marlon Galutan, Pangulo ng ROSCOM Trikers at Barangay Tanod ng Barangay Rosario, sa kanyang ipinakitang katapatan, integridad, at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagbabalik ng napulot na cellphone sa tunay nitong may-ari.

Ang kanyang mabuting halimbawa ay nagpapatunay na ang katapatan ay isang mahalagang pagpapahalaga na dapat nating isabuhay sa ating araw-araw na pamumuhay. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa bawat mamamayan na patuloy na gumawa ng tama at maglingkod nang may puso at malasakit.

Maraming salamat, G. Marlon Galutan, sa inyong huwarang serbisyo at dedikasyon sa ating komunidad. Ipinagmamalaki kayo ng buong Barangay Rosario!

06/08/2026

EXECUTIVE NO. 2026-08-01

AN EXECUTIVE ORDER DECLARING THE SUSPENSION OF CLASSES AT ALL LEVELS IN PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS IN THE CITY OF SANTIAGO FROM 12 NOON ONWARDS ON 06 AUGUST 2026 DUE TO TROPICAL DEPRESSION MAYMAY

05/08/2026

As of 5:00AM, August 6, 2026, ang Lungsod ng Santiago ay nasa ilalim pa rin ng TCWS No. 1. Ayon po sa DepEd Order No. 22, s. 2024, awtomatikong suspendido ang in-person classes sa Kindergarten.

Mag-ingat po ang lahat at manatiling updated sa mga susunod na anunsyo. Keep safe, Kabsat!

WEATHER UPDATE. Ang Tropical Depression Maymay ay isa ng Tropical Storm. As of 5:00AM, August 5, 2026, ang Lungsod ng Sa...
04/08/2026

WEATHER UPDATE. Ang Tropical Depression Maymay ay isa ng Tropical Storm. As of 5:00AM, August 5, 2026, ang Lungsod ng Santiago ay nasa ilalim pa rin ng TCWS No. 1.

Mag-ingat po ang lahat at manatiling updated sa mga susunod na anunsyo. Keep safe, Kabsat!

πŸ‡΅πŸ‡­ FLAG CEREMONY | August 3, 2026Isinagawa kahapon, Agosto 3, 2026, ang regular na Flag Ceremony ng Barangay Rosario na ...
04/08/2026

πŸ‡΅πŸ‡­ FLAG CEREMONY | August 3, 2026

Isinagawa kahapon, Agosto 3, 2026, ang regular na Flag Ceremony ng Barangay Rosario na dinaluhan ng Barangay Council, mga empleyado, at mga barangay structures.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Punong Barangay Hon. Judy Balberan ang ulat tungkol sa mahahalagang programa, proyekto, at mga aktibidad na naisakatuparan sa buong buwan ng Hulyo. Nagbigay rin ng mahahalagang anunsyo ang ilang miyembro ng Sangguniang Barangay upang maipabatid sa lahat ang mga paparating na gawain at inisyatiba ng ating barangay.

Nagkaroon din ng Values Education Session bilang bahagi ng programa upang patuloy na paigtingin ang pagpapahalaga sa integridad, disiplina, malasakit, at pagkakaisa sa paglilingkod sa ating komunidad.

Patuloy nating isabuhay ang pagkakaisa, disiplina, at aktibong pakikilahok upang higit pang mapaunlad ang ating minamahal na Barangay Rosario.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na sumusuporta sa mga programa ng ating barangay.

πŸŽ‰πŸŽ‚ Maligayang Kaarawan, Kapitana Elvelita "Elvie" P. Balberan! πŸŽ‚πŸŽ‰Sa iyong espesyal na araw, nawa'y pagpalain ka pa ng Pa...
03/08/2026

πŸŽ‰πŸŽ‚ Maligayang Kaarawan, Kapitana Elvelita "Elvie" P. Balberan! πŸŽ‚πŸŽ‰

Sa iyong espesyal na araw, nawa'y pagpalain ka pa ng Panginoon ng mabuting kalusugan, walang hanggang kaligayahan, at maraming biyaya.

Happy Birthday! Wishing you more birthdays to celebrate and God's abundant blessings. πŸ’πŸŽˆ

Greetings from Barangay Rosario Family. β€οΈπŸŽ‰

Nanatiling Stationary ang Tropical Depression Luis Habang Nagdadala ng Malakas na Hangin sa Bahagi ng LuzonWalang pagbab...
02/08/2026

Nanatiling Stationary ang Tropical Depression Luis Habang Nagdadala ng Malakas na Hangin sa Bahagi ng Luzon

Walang pagbabago sa lakas at halos hindi kumikilos ang Tropical Depression "Luis" habang nanatili sa karagatan sa silangan ng Aurora, ayon sa huling ulat ng ahensya ng panahon kaninang alas-singko ng umaga, ika-3 ng Agosto 2026.

Batay sa tala ng weather bureau, ang sentro ng bagyong Luis ay huling namataan sa layong 130 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora, o sa tinatayang co-ordinatong 15.9Β°K, 123.3Β°D. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa sentro, bugso na hanggang 70 kilometro bawat oras, at presyon sa gitna na 1002 hPa. Ito ay kasalukuyang halos stationary o halos walang galaw, habang ang malalakas na hangin nito ay umaabot hanggang 240 kilometro mula sa gitna.

Dahil dito, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon kung saan inaasahan ang malalakas na hangin na may bilis na 39 hanggang 61 kilometro bawat oras sa loob ng susunod na 36 na oras, na maaaring magdulot ng minimal hanggang sa minoryang banta sa buhay at ari-arian:

Luzon: Ang gitna at silangang bahagi ng Cagayan (kabilang ang Lungsod ng Tuguegarao at iba pang bayan), Isabela, Quirino, silangan at timog na bahagi ng Apayao, silangang bahagi ng Kalinga, silangang bahagi ng Mountain Province, silangang bahagi ng Ifugao, hilagang bahagi ng Aurora (kabilang ang Baler at Casiguran), Polillo Islands, at ang hilagang bahagi ng Camarines Norte.

Awtomatikong suspendito ang mga klase sa Kindergarten sa mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No.1.

Source: DOST-PAGASA

Ayon po sa DepEd Order No. 22, s. 2024, awtomatikong suspendido ang in-person classes sa Kindergarten sa mga lugar na na...
02/08/2026

Ayon po sa DepEd Order No. 22, s. 2024, awtomatikong suspendido ang in-person classes sa Kindergarten sa mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1.

Dahil sa Tropical Depression , walang pasok ang mga mag-aaral sa Kindergarten sa Lungsod ng Santiago, Agosto 3, 2026.

Manatiling ligtas at nakatutok sa mga opisyal na abiso! Keep Safe Kabsat!

Address

Burgos Street Corner Del Pilar Avenue, Purok 3, Rosario Santiago City, Isabela
Santiago
3311

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Rosario, Santiago City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share