06/08/2026
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Lubos ang aking pasasalamat sa Panginoon sa patuloy Niyang paggabay at sa biyayang ipinagkaloob.
Taos-puso rin akong nagpapasalamat kay NFA Administrator NFA Larry Lacson, sa buong NFA Management, at sa aking NFA Region 02 Family sa tiwala, suporta, at pagkakataong maipagpatuloy ang aking paglilingkod sa ating ahensya.
Ang pagkakataong ito ay hindi ko itinuturing na personal na tagumpay lamang, kundi bunga ng sama-samang pagtutulungan, paggabay, at tiwalang ipinagkaloob ninyo. Higit sa lahat, ito ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo ko pang pagbutihin ang aking paglilingkod.
Makakaasa po kayo na hindi masasayang ang tiwalang inyong ibinigay. Patuloy kong gagampanan ang aking tungkulin nang may integridad, dedikasyon, at malasakit, habang isinusulong ang misyon ng National Food Authority.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala.
Mabuhay ang National Food Authority!
Mabuhay ang NFA NFA Cagayan Valley Region!
Engr. Julius Sugue
Regional Manager II