06/08/2026
ππ¬πππ₯ ππ₯ππ π ππͺππ₯ππ‘ππ¦π¦: π ππ-ππ‘πππ§ π¦π π’π‘πππ‘π, π£π₯π’π§πππ§ππππ‘ ππ‘π ππ¬π’π‘π ππ π£π’π₯π ππ¦π¬π’π‘.
Sa makabagong panahon, ang internet ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Kasabay nito ang pagdami ng mga cybercrime tulad ng online scams, phishing, identity theft, at iba pang panlilinlang sa internet.
Maging mapanuri sa bawat mensahe, link, at website na iyong binibisita. Huwag basta magbahagi ng personal na impormasyon, passwords, o One-Time Password (OTP). Laging tiyaking lehitimo ang website at account bago magsagawa ng anumang online transaction.
Patuloy na hinihikayat ng Philippine National Police ang publiko na maging responsable at mapagmatyag sa paggamit ng teknolohiya. Ang wastong kaalaman at pag-iingat ay mahalagang sandata laban sa cybercrime.
"Mag-Isip Bago Mag-Click."
"Ligtas Online, Ligtas ang Personal na Impormasyon."
"Maging Mapanuri, Huwag Magpaloko sa Online Scam."