01/09/2026
𝗡𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗥 𝗠𝗔𝗧𝗘𝗥𝗜𝗔𝗟𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗞𝗟𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗢. 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡; 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗧𝗚 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥, 𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗘𝗞𝗢𝗕𝗘𝗥
STO. NIÑO, CAGAYAN – Narekober ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Philippine Army ang iba’t ibang armas, bala, kagamitan, at mga dokumentong umano’y pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa kabundukan ng Sitio Talor, Barangay Niug Norte, Sto. Niño, Cagayan, dakong alas-12:50 ng tanghali noong Agosto 31, 2026.
Pinangunahan ng 202nd Mobile Company (202nd MC), Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2) ang operasyon, katuwang ang 4th Maneuver Platoon, 1st PMFC; Regional Intelligence Unit 2 (RIU2); Sto. Niño Municipal Police Station; Cagayan Police Provincial Office (CPPO);
Isinagawa ang tatlong araw na focused operation mula Agosto 29 hanggang Setyembre 1, 2026 sa mga kabundukan ng Barangay Niug Norte, San Roque, at Sta. Felicitas, Sto. Niño, Cagayan. Sa tulong ng impormasyong ibinahagi ng isang nagbalik-loob na dating kasapi ng CTG, natukoy ng mga operating team ang lugar kung saan nakabaon at nakatago ang mga nasabing kagamitan, na nakabalot sa itim na plastic bag kung saan narekober ang mga sumusunod:
• Isang (1) 12-gauge homemade buckshot
• Isang (1) 12-gauge homemade break-open shotgun
• 85 pirasong 5.56mm na bala
• 32 pirasong 7.62mm na bala
• Apat (4) na rifle gr***de na may canister
• Apat (4) na bala ng 7.62x33mm para sa carbine
• Tatlong (3) 12-gauge na bala
• Anim (6) na magazine para sa 7.62mm
• Isang (1) mahabang magazine para sa 5.56mm
• Isang (1) maikling magazine para sa 5.56mm
• Isang (1) Baofeng handheld radio
• Isang (1) Icom handheld radio
• Isang (1) itim na skeleton bandolier
• Isang (1) kulay tsokolate na tactical belt
• Isang (1) improvised engine-generator set, Toyohama brand, 2.5 HP
• Isang (1) Samsung 10,000mAh power bank
• Tatlong (3) charging cables ng cellphone
• Isang (1) notebook na naglalaman ng mga dokumentong umano’y subersibo
• Mga kable ng kuryente na may iba’t ibang sukat na 7.5 metro, 3 metro, at 1 metro
• Isang (1) puting earphone
• Apat (4) na AA Eveready batteries
• Isang (1) charger para sa Cherry Mobile
Ang mga rifle gr***de at iba pang hinihinalang explosive ordnance ay isusumite sa Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit 2 (RECU2) para sa kaukulang pagsusuri at disposisyon. Samantala, ang mga nakuhang baril ay ituturn-over sa Regional Forensic Unit 2 (RFU2) para sa forensic examination.
Ang iba pang nakuhang kagamitan ay dinala sa himpilan ng 202nd MC, RMFB2 para sa wastong imbentaryo, dokumentasyon, at kaukulang disposisyon.
Ang matagumpay na recovery operation ay nagpapakita ng patuloy na koordinasyon ng mga law enforcement at military units sa pagtugon sa banta ng CTG at pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa mga komunidad ng Cagayan.