10/06/2026
Lubos po naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa matagumpay na pagsasagawa ng Parentsโ Convergence na ginanap ngayong Hunyo 10,2026 sa STNCS Gym.
Maraming salamat sa lahat ng magulang na nakiisa at nagbigay ng kanilang buong suporta. Ang inyong presensya at pakikiisa ay naging malaking ambag sa tagumpay ng gawaing ito.
Sa patuloy nating pagtutulungan, mas lalo pa nating mapapalakas ang ugnayan ng paaralan at tahanan para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral. ๐