06/08/2025
Kayo ba ay isang organisasyon o asosasyong nais maglingkod at makiisa sa lokal na pamahalaan?
Nais nyo bang mapakinggan ang inyong boses patungkol sa mga problema at solusyon na kinahaharap ng ating pamayanan?
Kayo ba ay rehistrado sa SEC, CDA, DOLE, o may balidong akreditasyon mula sa anumang ahensya ng gobyerno?
May kumpletong tala ba kayo ng mga opisyales, pinansyal at accomplishment reports, at katibayan ng inyong aktibong operasyon?
Kung OO ang inyong sagot sa lahat ng ito โ panahon na para kayo ay magpa-akreditasyon bilang Civil Society Organization (CSO)!
Maging kinatawan ng inyong sektor at makibahagi sa mahahalagang desisyon sa ating pamahalaan.
Ihanda lamang ang mga kinakailangang dokumento at magsumite sa itinakdang petsa.
Makilahok sa CSO Conference sa August 7, 2025 9:00am. 3rd Floor New Municipal Building, San Vicente, Sto. Tomas, Pampanga, upang malaman kung pano mag pa accredit, pano makaka tulong sa pamayanan at pano mapapakinggan ang inyong mga boses.
๐ Makilahok. Maglingkod. Maging Boses ng Mamamayan!