03/08/2026
๐๐๐ซ๐๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ฐ๐๐ญ ๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง.
๐Ang pagpapahalaga para sa linggong ito na may temang "Reality" (Katotohanan) ay tinalakay ni G. Ruben V. De Gracia, Jr., Executive Assistant III, at binigyan ng halimbawa ni G. Victorio G. Armamento, Executive Assistant II.
๐Naghandog din ang kanilang tanggapan, kasama ang Punong Bayan, ng isang maikling skit at pagtatanghal ng sayaw.
๐Nagbigay naman ng mensahe si Kgg. Marivic T. Gayeta, na hinikayat ang lahat ng mga empleyado na gampanan ang kanilang mga tungkulin nang may ngiti at positibong pananaw.
๐Kinilala ng Pamahalaang Bayan ang pagkilalang natanggap ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Lalawigan ng Quezon at ang pagkamit ng Sariaya MDRRMO Team bilang 1st Place sa katatapos na Rescue Challenge katunggali ang mga bayan sa Probinsya ng Quezon.
08.03.2026