22/10/2026
TINGNAN: ISINAGAWA SA KILING ELEMENTARY SCHOOL ANG SCHOOL-BASED IMMUNIZATION PROGRAM
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral, matagumpay na isinagawa sa Kiling Elementary School ang School-Based Immunization Program noong Oktubre 22, 2026.
Pinangunahan ni Mrs. Sally M. Jusay, Midwife III, katuwang ang ating mga masisipag na Barangay Health Workers (BHW), ang pagbibigay ng bakuna sa mga mag-aaral. Isinagawa ito sa koordinasyon ni Maโam Susan L. Jusay, School Health Coordinator.
Bago ang pagbabakuna, nagkaroon muna ng oryentasyon upang maipaliwanag ang kahalagahan ng mga bakuna at ang proteksiyong naibibigay ng mga ito laban sa ibaโt ibang sakit.
Kabilang sa mga bakunang ibinigay ang sumusunod:
๐น Para sa mga mag-aaral sa Grade 4 at Grade 5: Bakuna laban sa Human Papillomavirus (HPV).
๐น Para sa mga mag-aaral sa Grade 1: Bakuna laban sa Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria.
Ang programang ito ay inilunsad ng Department of Health (DOH) sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd), na naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang mga batang nag-aaral sa mga pampublikong paaralan laban sa Vaccine-Preventable Diseases (VPDs) o mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Kiling Elementary School sa mga health worker, sa ating School Health Coordinator, at sa lahat ng nakibahagi sa matagumpay na pagsasagawa ng programang ito. Ang kanilang dedikasyon at pagtutulungan ay mahalagang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng bawat mag-aaral.
Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang ligtas, malusog, at handa para sa mas magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral! ๐
Bakunahan ay Proteksiyon, Kalusugan ay Pahalagahan!