11/12/2025
ππππππππβπ ππππππππ 2025, πππππππππ-πππππ πππ πππ πππππππππ πππππ ππ πππππππ
Nabigyan ng plataporma ang 150 student leaders sa Childrenβs Congress 2025 noong Disyembre 11, sa pangunguna ni Mayor Marivic T. Gayeta, upang maipahayag ang kanilang saloobin at mungkahi hinggil sa kinabukasan ng Kabataan sa Sariaya.
Aktibong dumalo sa programa ang mga kabataang lider mula sa ibaβt ibang pampubliko at pribadong paaralan na ginanap sa 3rd floor ng New Municipal Hall ng Sariaya, na nagbigay-daan sa Familiarization Tour sa apat na palapag ng modernong gusali upang ipakilala ang ibaβt ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan,
Kabilang sa mga lumahok na paaralan ang Pili NHS, Sariaya NHS, Canda NHS, Lutucan Integrated NHS, Bignay NHS, Gov. Anacleto Alcala NHS, CastaΓ±as NHS, Concepcion Palasan NHS, Mamala 1 Integrated NHS, Sariaya Institute, St. Francis High School, St. Joseph Academy, CSTC, Colegio de Santo Cristo de Burgos, at ilang out-of-school youth.
Bilang Welcome Address, tinukoy ni MSWD Officer Claire D. Obnial na mahalaga ang State of the Childrenβs Address at Childrenβs Congress. Aniya, ipinapakita nito ang mga nagawa ng pamahalaan para sa kalusugan, edukasyon, at proteksyon ng kabataan, kasabay ng pagbubukas ng mas maraming oportunidadd upang palakasin ang mga programang tugon sa kanilang pangangailangan.
Ipinaliwanag naman ni MCPC Focal Person Maria Arlene C. Palabrica ang kabuuang daloy ng aktibidad na nakatuon sa paghubog ng kaalaman, kakayahan at partisipasyon ng mga delegadong kabataan.
Samantala, inilahad ni Vice Mayor Arlene M. Genove ang mga repormang nakapaloob sa Legislative Agenda for Children, kabilang ang mga proyekto para sa edukasyon, proteksyon, digital safety, mental health, sports development, at environmental responsibility. Kasama rito ang Digital Learning Centers, E-Library System, Community-Based Mental Health Program, insentibo sa mga kabataang nagdadala ng karangalan sa bayan, at panukalang Ban on Minors Driving Motorcycles β bilang hakbang sa kaligtasan sa kalsada.
Kaugnay nito, inisa-isa rin ni Vice Mayor Genove ang mga programang hatid ng Sangguniang Bayan at SK Federation, tulad ng scholarship programs, skills training, Sports Development Councils, at Youth Development Skills Program katuwang ang TESDA. Giit niya, tuloy ang suporta sa pag-amyenda ng Sariaya Local Code for Children para manatiling angkop sa pangangailangan ng kabataang Sariayahin.
Bahagi rin ng programa ang serye ng makabuluhang talakayan tungkol sa Child Protection at Cyber Crime kasama ang PNP, Education Program ni Municipal Administrator Randy L. Tronila, Adolescent Health Program ng Rural Health Unit, Child Participation ng LYDO, at ang taunang Declaration of Commitment ng mga kabataan.
Nagkaroon din ng bukas na forum kung saan malayang naipahayag ng mga kabataang delegado ang kanilang saloobin, tanong, at suhestiyon tungkol sa mga paksang tinalakay, na magsisilbing batayan sa pagbuo ng mas aepektibong programa at polisiyang pang-kabataan para sa mga susunod na taon.
Matagumpay na naisagawa ang programa sa tulong ng Sariaya Municipal Council for the Protection of Children, MSWD Office, Child Development Workers, at Junior Officials, SK Isabella Bagting ng Barangay Pili na nagsilbing moderator, Dwayne Tuyo at Gwen Bico bilang MCPC Child Representative Facilitators at sina Ms. Edhz, Michelle at Annaver Alcantara bilang mga Secretariat.