25/08/2026
August 25, 2026
Pormal ng sinimulan ang Line Canal Project sa Barangay Tumbaga 1 na may habang 2.2 Kilometers na inaasahang tatahak sa baybayin sa Sariaya-Castaรฑas Provincial Road na nsasakupan ng purok 1, purok 2
purok 4 at Purok 5 ng Barangay Tumbaga 1 Sariaya Quezon.
Layunin ng proyekto na maiwasan ang pag apaw ng tubig sa kalsadang nabangit, na nagiging sanhi din ng madaling pagkasira ng konkretong lansangan. At nagiging problema ng mga motorista sa tuwing may malakas na pag ulan kung saan sa mismong kalsada na dumadaan ang tubig.
Ang proyekto ito ay isang hakbang din ng Sangguniang Brgy ng Tumbaga 1 upang mas palakasin ang Agrikultura sa Barangay sapagkat ang mga tubig na dadaloy sa isinasagawang kanal ay papasok sa pangunahing ilog kung saan nadun ang irrigation ng mga magsasaka partikular sa mga magpapalay..
Mula sa isang Barangay Resolution ng Sangguniang Barangay ng Tumbaga 1 na ipinasa sa tanggapan ng Provincial Government of Quezon at inaprobahan ni Gov Doktora Helen Tan ngayon ay isinasagawa na ang napaka halagang proyekto na lubos na pakikinabangan hindi lang ng mamayan ng Tumbaga 1 bagkus laht ng mga mamayan at motoristang dumadaan dito
Lubos po ang pasasalamat sa lahat ng naging katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito