Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon

Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon, Government Organization, Sariaya.

PAMPUBLIKONG ANUNSYO๐Ÿ“ฃ Rescheduling of Linggo ng Kabataan 2026 CelebrationIpinababatid sa lahat na ang Linggo ng Kabataan...
21/08/2026

PAMPUBLIKONG ANUNSYO๐Ÿ“ฃ
Rescheduling of Linggo ng Kabataan 2026 Celebration

Ipinababatid sa lahat na ang Linggo ng Kabataan 2026 Celebration na nakatakda sanang ganapin sa Agosto 23, 2026 ay ipinagpapaliban at ililipat sa Agosto 30, 2026. Gayundin ang lahat ng aktibidad katulad ng Katipunan ng Kabataan Assembly, Youth Leadership Camp, Voter's Education Seminar, Distribution of Educational Assistance, at Sangguniang Kabataan Accomplishment Report.

Ang desisyong ito ay bunsod ng unforeseen circumstances o mga hindi inaasahang pangyayari. Humihingi kami ng inyong lubos na pang-unawa at pakikiisa sa naging pagbabago ng iskedyul. Makakaasa kayo na ang selebrasyon ay itutuloy sa bagong itinakdang petsa upang sama-sama nating maipagdiwang ang isang makabuluhan, masaya, at ligtas na Linggo ng Kabataan 2026.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa mga programa para sa kabataan!

- Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon

Paggunita sa Ika-148 Anibersaryo ng Kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon | Agosto 19 Ngayong ika-19 ng Agosto...
19/08/2026

Paggunita sa Ika-148 Anibersaryo ng Kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon | Agosto 19

Ngayong ika-19 ng Agosto, ating ginugunita ang Araw ng Quezon, isang natatanging araw na nagbibigay-pugay sa buhay at pamana ni Manuel L. Quezon sa ika-148 anibersaryo ng kanyang kapanganakan.

Sa Baler, Quezon isinilang ang isang lider na nangarap ng isang bansang may sariling tinig at pagkakakilanlan. Sa kanyang paglilingkod bilang Pangulo ng Commonwealth, naging bahagi siya ng mahalagang yugto ng pakikibaka tungo sa kasarinlan ng Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga iniwang pamana ang pagsusulong sa pagkakaroon ng wikang pambansa, isang hakbang na naglalayong pag-isahin ang mga Pilipino sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wika at kultura.

Sa bawat pagkakataong ginagamit natin at ipinagmamalaki ang sariling wika, pinahahalagahan ang ating kultura, at ginagampanan nang buong katapatan ang ating tungkulin sa bayan, naipagpapatuloy natin ang diwa ng kanyang mga adhikain.

Sa pag-alaala natin sa kanyang kaarawan, nawaโ€™y magsilbi itong paalala na ang pagmamahal sa bayan ay hindi natatapos sa pag-alala sa mga taong naglingkod dito. Ito ay nabubuhay sa ating mga salita, gawa, at sa bawat maliit na ambag na ginagawa natin para sa kapwa at sa ating bansa.

Sa pag-alala kay dating Pangulong Manuel L. Quezon, ating buhayin ang diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, at pagmamahal sa sariling atin. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

LINGGO NG KABATAAN 2026 โœจMakiisa at makisaya sa isang makabuluhang pagdiriwang para sa Kabataan ng Sampaloc Bogon!  โœจSa ...
16/08/2026

LINGGO NG KABATAAN 2026 โœจ

Makiisa at makisaya sa isang makabuluhang pagdiriwang para sa Kabataan ng Sampaloc Bogon! โœจ

Sa temang โ€œDifferent Contexts, Common Aspirations,โ€ sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba ng ating mga karanasan, pananaw, at pangarap sapagkat sa kabila ng ating pagkakaiba, iisa ang ating hangarin: isang mas aktibo, nagkakaisa, at progresibong Kabataan ng Sampaloc Bogon.โœจ

๐Ÿ“… Agosto 23, 2026
โŒš 08:00AM to 03:00PM
๐Ÿ“ Barangay Hall, Brgy. Sampaloc Bogon, Sariaya, Quezon

Tara na, Kabataan ng Sampaloc Bogon! Makilahok, makiisa, at maging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ’™




DILG Visitation and Checking ๐Ÿ›๏ธMatagumpay na naisagawa ang โ€œDILG Visitation and Checkingโ€ para sa pagsusuri ng mga serbi...
14/08/2026

DILG Visitation and Checking ๐Ÿ›๏ธ

Matagumpay na naisagawa ang โ€œDILG Visitation and Checkingโ€ para sa pagsusuri ng mga serbisyo, dokumento, programa, at iba pang mahahalagang sangkap ng maayos at responsableng pamumuno ng Sangguniang Kabataan.

Pinangunahan ito sa pamamagitan nina Gng. Remilie Orivida - MLGOO, G. Reniel Martizana - LYDO, at Bb. Regine Remojo - DILG Sariaya Staff, na nagbigay ng gabay at mahahalagang rekomendasyon upang higit pang mapalakas at maging mas organisado ang kalidad ng ating pamamahala at serbisyo para sa kabataan.

Kasiya-siyang napuri ang konseho ng Sangguniang Kabataan sa maayos na pagpapatupad at pag-aasikaso ng mga kinakailangang dokumento, programa, at serbisyo para sa Kabataan. Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang patuloy na pagbutihin ang ating mga gawain at pamamahala.

Ang pagbisitang ito ay nagsisilbing gabay at pagkakataon upang higit pang mapabuti ang ating mga proseso, mapalakas ang pagpapatupad ng mga programa, at matiyak na ang bawat hakbang ng Sangguniang Kabataan ay naaayon sa mga pamantayan ng mabuting pamamahala.

Patuloy tayong magsisilbi nang may integridad, transparency, pananagutan, at malasakit para sa bawat Kabataan ng Sampaloc Bogon. ๐Ÿ’™

Happy Birthday, Hon. SK Councilor Jackielyn A. Cotales! ๐ŸŽ‚     Happy Birthday to a dedicated leader and a true champion f...
07/08/2026

Happy Birthday, Hon. SK Councilor Jackielyn A. Cotales! ๐ŸŽ‚

Happy Birthday to a dedicated leader and a true champion for the youth! Your commitment to our community as an SK Councilor is nothing short of inspiring. May this year bring you as much growth and joy as you bring to our barangay. Keep leading with integrity, dreaming big for the kabataan, and pushing for positive change.

Hereโ€™s to more successful projects, meaningful service, and a year of reaching your own personal milestones. Enjoy your special day!

SK ORDER NO. 01, SERIES OF 2026๐€๐ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐‚๐‘๐„๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐“๐‡๐„ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐ˆ๐๐•๐„๐๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐“๐„๐€๐Œ (๐’๐Š๐ˆ๐“)๐— ๐—˜๐—˜๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”...
06/08/2026

SK ORDER NO. 01, SERIES OF 2026
๐€๐ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐‚๐‘๐„๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐“๐‡๐„ ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐ ๐ˆ๐๐•๐„๐๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐“๐„๐€๐Œ (๐’๐Š๐ˆ๐“)

๐— ๐—˜๐—˜๐—ง ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š๐—š๐—จ๐—ก๐—œ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐—œ๐—ก๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ง๐—˜๐—”๐—  OF BGRY. SAMPALOC BOGON

The Sangguniang Kabataan of Sampaloc Bogon, Sariaya, Quezon proudly announces the official establishment of the ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง ๐ˆ๐ง๐ฏ๐ž๐ง๐ญ๐จ๐ซ๐ฒ ๐“๐ž๐š๐ฆ (๐’๐Š๐ˆ๐“) in compliance with the guidelines of the Department of the Interior and Local Government (DILG).

The initiative marks a significant step toward ensuring the proper inventory, documentation, safekeeping, and turnover of all SK assets, financial records, equipment, and official documents. Through this, the Sangguniang Kabataan strengthens its commitment to to transparency, accountability, and responsible governance, laying a strong foundation for a smooth transition to future youth leaders.

๐—š๐˜‚๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฏ๐˜†:
SK Chairman/Chairperson Hon. Daniel V. Alcala
SK Councilor/Vice Chairperson Hon. Liana Carylle M. Mayuga

Together with the ๐—ฆ๐—ž ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜€:
Hon. Angel Mae B. Relativo
Hon. John Paul R. Veleรฑa
Hon. Jackielyn A. Cotales
Hon. Jenny Jen P. Albitos
Hon. Arjay Inocencio

๐—ฆ๐—ž ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜†:
SK James Vincent Veleรฑa

๐—ฆ๐—ž ๐—ง๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ:
SK Jonalyn Rubio

KK Member Representative
Mx. Phaul Andrew Jimenez

Para sa Kabataan. Para sa Barangay. Para sa mas progresibong kinabukasan. โœจ

EDU-AKSYON: ISKOLAR NG BOGON ๐Ÿ“š๐Ÿ–Š๏ธPAY-OUT AND DISTRIBUTION OF EDUCATIONAL ASSISTANCE 2026 โœ‰๏ธBilang bahagi ng programang Ed...
05/08/2026

EDU-AKSYON: ISKOLAR NG BOGON ๐Ÿ“š๐Ÿ–Š๏ธ

PAY-OUT AND DISTRIBUTION OF EDUCATIONAL ASSISTANCE 2026 โœ‰๏ธ

Bilang bahagi ng programang Edu-Aksyon: Iskolar ng Bogon, patuloy na isinusulong ng Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon ang mga programang nagbibigay-suporta sa edukasyon at pag-unlad ng ating kabataan.

Inaanyayahan ang lahat ng mga benepisyaryo na dumalo sa Pay-out and Distribution of Educational Assistance.

๐Ÿ—“๏ธ: August 23, 2026 (Sunday)
โฐ: 09:00 AM
๐Ÿ“: Barangay Hall, Sampaloc Bogon, Sariaya, Quezon

Ang programang ito ay patunay ng ating patuloy na layunin na makapagbigay ng makabuluhang suporta sa mga mag-aaral at makapag-ambag sa paghubog ng isang mas marunong, aktibo, at progresibong kabataan.

SANGGUNIANG KABATAAN RECOGNITION โœจCongratulations, Jonalyn D. Arpia, for passing the July 2026 Certified Human Resource ...
01/08/2026

SANGGUNIANG KABATAAN RECOGNITION โœจ

Congratulations, Jonalyn D. Arpia, for passing the July 2026 Certified Human Resource Associate (CHRA) by HREAP Assessment Examination - Batch 73!

This achievement is a result of your dedication, perseverance, and unwavering commitment to excellence in Human Resource Management.

May this milestone be the foundation for even greater opportunities and continued professional success. โœจ

ANUNSYO PUBLIKO ๐Ÿ“ฃ PARA SA MGA MAG-LIVE-IN PARTNERS AT MGA NAGNANAIS MAGPAKASALIpinababatid sa lahat ng mga magkasamang n...
22/07/2026

ANUNSYO PUBLIKO ๐Ÿ“ฃ

PARA SA MGA MAG-LIVE-IN PARTNERS AT MGA NAGNANAIS MAGPAKASAL

Ipinababatid sa lahat ng mga magkasamang naninirahan (live-in partners) at iba pang nagnanais magpakasal na bukas na ang pagpapatala para sa Libreng Kasalan (Mass Wedding), na gaganapin sa Oktubre 2026 sa Sariaya Municipal Hall.

Ang mga interesadong aplikante ay hinihikayat na magtungo sa Local Civil Registry (LCR) ng Sariaya upang magparehistro at magsumite ng lahat ng kinakailangang dokumento para sa kanilang aplikasyon.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga kinakailangang dokumento, proseso ng aplikasyon, at iba pang detalye, maaaring bumisita sa Local Civil Registry (LCR) sa oras ng opisina.

Inaanyayahan ang lahat ng mga kwalipikadong mag-asawa na samantalahin ang programang ito upang gawing legal at ganap ang kanilang pagsasama.

Maraming salamat.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | National ID Registration and Verification Magsasagawa ng National ID Registration and Verification upang mabig...
22/07/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | National ID Registration and Verification

Magsasagawa ng National ID Registration and Verification upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapagparehistro at makapagpa-verify ng kanilang National ID.

Isasagawa ang aktibidad na ito sa darating na Hulyo 31, 2026 sa ating Brgy. Hall, na layong mapalapit at mapadali ang pagkuha at pag-aayos ng National ID ng mga residente.

Patuloy na hinihikayat ang mga mamamayan na makiisa at samantalahin ang serbisyong ito na hatid ng pamahalaan para sa mas maayos at mabilis na pagkakakilanlan ng bawat Pilipino.

Address

Sariaya
4322

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Sampaloc Bogon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share