Sigla at Saya Talaan Aplaya

Sigla at Saya Talaan Aplaya [ The Official page of Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya ]

Sa kabila ng maulang panahon ngayong araw Agosto 18, 2026, isinagawa ang  "Coconut Tree Planting Activity", sa Tala Farm...
18/08/2026

Sa kabila ng maulang panahon ngayong araw Agosto 18, 2026, isinagawa ang "Coconut Tree Planting Activity", sa Tala Farm na pag mamay-ari ni Mr. RTV, sa pakikipagtulungan ni Farm Manager Ms. Jona Rey Valencia sa Sitio Centro Brgy. Talaan Aplaya.

Nakiisa ang Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Kgg. Kapitan Julio De Leon, mga maasahang mga Kagawad at mga Brgy. Tanod sa isinagawang Simultaneous Massive Coconut Planting Program ng Philippine Coconut Authority (PCA), bilang bahagi ng pagdiriwang ng "National Coconut Week 2026".

Aktibong nakilahok sa program ang mga kawani ng PCA Region IV - A kasama si Acting Division Chief I Ramonchito F. Castillo sa pakikipagtulungan ni Ms. Jhen Cagitla at ng mga aktibong Samahan ng magniniyug TACFA - Talaan Aplaya Coconut Farmer Association sa pangunguna ni Pangulo Myrna Trinidad Velena .

Nagbigay din ng mensahe ng suporta si G. Victorio Armamento bilang kinatawan ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Marivic T. Gayeta .

🌴🥥 Layunin ng programa na suportahan ang pagpapaunlad ng industriya ng niyog, pangalagaan ang kalikasan, at makiisa sa layuning “Regenerating the Coconut Economy, Future-Proofing the Coconut Value Chain.”
Kaisa tayo sa pag-unlad ng PCA, kaisa tayo sa pag-unlad ng industriya ng niyog! 💚🌴




📢 PABATID SA AMING MGA KABARANGAY NA PWD! ♿💙Narito po ang mga requirements para sa New/Renewal at Replacement ng PWD ID ...
12/08/2026

📢 PABATID SA AMING MGA KABARANGAY NA PWD! ♿💙

Narito po ang mga requirements para sa New/Renewal at Replacement ng PWD ID sa Sariaya, Quezon.

📌 Para sa New/Renewal Application:
• Barangay Residency
• Recent 1x1 ID Picture – 2 pcs.
• Photocopy ng Birth Certificate o anumang Valid ID
• Certificate of Disability mula sa attending physician na nagsasaad ng uri ng kapansanan

📌 Para sa Replacement: • Original PWD ID kung damaged
• Affidavit of Loss kung nawala
• Valid ID
• Iba pang supporting documents

Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa ating PWD Barangay President, Rafael Bascoguin bumisita sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), Sariaya, o tumawag sa 0950-239-3637.

💙 Ibahagi ang post na ito upang makatulong na maipaalam sa ating mga PWD ang mga kinakailangang dokumento.

08/08/2026

LIBRE NA ANG KASAL, hanap na kayo ng inyong papakasalan. 🙈

"OPISYAL NA PANUNUMPA"Opisyal nang nanumpa si Kgg. Michelle De Leon bilang Kagawad ng Barangay Talaan Aplaya sa pangungu...
07/08/2026

"OPISYAL NA PANUNUMPA"

Opisyal nang nanumpa si Kgg. Michelle De Leon bilang Kagawad ng Barangay Talaan Aplaya sa pangunguna ni Mayor Marivic Gayeta.

Siya ang opisyal na humalili sa yumaong Kgg. Epifanio "Jun Jun" De Leon II upang ipagpatuloy ang tapat na paglilingkod sa mamamayan ng Barangay Talaan Aplaya.

Nawa'y maging gabay ang katapatan, integridad, at malasakit sa kanyang panunungkulan para sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng ating barangay.

PABATID PO MGA KABARANGAY📣📣Ang mga pangalan pong nabanggit sa ibaba ay  ang mga napili para sa UPLIFT Proram na mula sa ...
27/07/2026

PABATID PO MGA KABARANGAY📣📣

Ang mga pangalan pong nabanggit sa ibaba ay ang mga napili para sa UPLIFT Proram na mula sa Tanggapan ng Regional DSWD ang lahat po ng benepisyaryo ay nagmula po sa DSWD at hindi po sa Barangay.

Mga Kinakailangang ihanda:
📌Photocopy ng inyong National ID
📌GCash account

Maaaring pong makipag ugnayan kay Ma'am Peachy Precy Cerrudo ( Day Care Worker) para sa ibang katanungan.

Deadline ng pagpasa: Hanggang Agosto 7, 2026 lamang po.

Salamat po sa inyong kooperasyon😊

🕊️ NAKIKIDALAMHATI🤍🤍🤍 Ang buong Sangguniang Barangay Talaan Aplaya ay taos-pusong nakikidalamhati sa pagpanaw ng aming m...
11/07/2026

🕊️ NAKIKIDALAMHATI🤍🤍🤍

Ang buong Sangguniang Barangay Talaan Aplaya ay taos-pusong nakikidalamhati sa pagpanaw ng aming minamahal na kasamahan sa panunungkulan, Kagawad Epifanio "Jun Jun" De Leon II.

Ang kanyang tapat na paglilingkod, pagmamahal sa barangay, at malasakit sa kapwa ay nag-iwan ng magandang halimbawa at inspirasyon sa aming lahat. Ang kanyang alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawat isa na kanyang napaglingkuran.

Ang aming taos-pusong pakikiramay ay ipinaaabot sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Nawa'y inyong matagpuan ang lakas at kapanatagan sa pagmamahal ng Diyos sa gitna ng panahong ito ng pagdadalamhati.

Maraming salamat sa iyong serbisyo at dedikasyon. Ang iyong alaala ay hindi kailanman malilimutan.

May 18, 1984 – July 9, 2026

"Ang mga mabubuting gawa ay nananatili sa puso ng mga taong iyong napaglingkuran. Maraming salamat, Kagawad Jun Jun. Magpahinga ka na sa piling ng Panginoon." 🕊️🤍

10/07/2026
📚 BRIGADA ESKWELA 2026 | TALAAN APLAYANakiisa ang Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya sa isinagawang Brigada Eskwela 2...
01/06/2026

📚 BRIGADA ESKWELA 2026 | TALAAN APLAYA

Nakiisa ang Sangguniang Barangay ng Talaan Aplaya sa isinagawang Brigada Eskwela 2026 ngayong araw, Hunyo 1, 2026, sa pamumuno ng Kgg. Punong Barangay Kap. Julio De Leon katuwang ang mga miyembro ng Sanggunian at ang Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SK Chairperson Jian Marco Cruzat Cruzat.

Bilang bahagi ng paghahanda para sa pagbubukas ng klase, sama-samang naglinis, nag-ayos, at nagsagawa ng iba’t ibang gawain ang mga boluntaryo upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral ng Talaan Elementary School.

Lubos din ang aming pasasalamat sa LGU Sariaya sa ating butihing Mayor Marivic T. Gayeta na palaging bukas palad sa pagtulong at pag suporta sa ating paaralan sa kanilang ipinagkaloob na mga school supplies at iba pang kagamitang pang-eskwela para sa mga mag-aaral, lalo na sa mga batang nasa Unang Baitang, bilang suporta sa kanilang pag-aaral.

Ang Brigada Eskwela ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan, mas mapagtitibay natin ang edukasyon at mas mabibigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong!

📚🏫🇵🇭

KAAGADANG TUGON NG BARANGAYNaging maagap ang ating mga Brgy. Tanod at opisyal ng barangay matapos ang insidente ng panan...
22/05/2026

KAAGADANG TUGON NG BARANGAY

Naging maagap ang ating mga Brgy. Tanod at opisyal ng barangay matapos ang insidente ng pananira ng ilang gamit sa simbahan na kinasangkutan ni Marvin Mabunga alyas “Bayugo,” na sinasabing may kakulangan sa pag-iisip.

Agad pong rumesponde ang ating barangay upang masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad. Ngayong araw ay dinala siya sa RHU Sariaya upang mabigyan ng kaukulang referral at maisailalim sa tamang pagsusuri at paggagamot.

Kasalukuyan pong hinihintay ang schedule para maipadala siya sa NCMH (National Center for Mental Health).

Patuloy pong nakikiusap ang barangay sa ating mamamayan ng pang-unawa at pakikipagtulungan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.

Maraming salamat po.

Address

Sariaya
4322

Telephone

+639389487618

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sigla at Saya Talaan Aplaya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sigla at Saya Talaan Aplaya:

Shortcuts

Share