04/08/2026
๐๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ก๐๐ฆ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ค๐ฎ๐ง๐, ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ญ๐๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐๐ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐-๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ข๐ฅ๐จ๐ฌ.
Ngayong National Disaster Resilience Month, kinikilala ng DSWD KALAHI-CIDSS ang mahalagang papel ng mga komunidad sa pagbuo ng mas ligtas, mas matatag, at mas handang kinabukasan. Sa pamamagitan ng Community-Driven Development approach, ang mga mamamayan mismo ang nangunguna sa pagtukoy at pagpapatupad ng mga proyektong tumutugon sa kanilang pangangailangan, kabilang ang mga imprastrakturang nagpapalakas ng kahandaan ng komunidad, nakatutulong sa disaster risk reduction, at nagpapataas ng kakayahang makabangon mula sa mga sakuna.
Ang tunay na resilience ay hindi lamang nasusukat sa bilis ng pagbangon, kundi sa sama-sama at maagap na pagkilos upang maging handa at mabawasan ang mga panganib bago pa man dumating ang anumang sakuna.