07/08/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
07 Agosto 2026
Ang mga kawani ng Sibalom Fire Station, sa pangunguna ni SFO3 Alfredo N. Ortiaga Jr., Acting Municipal Fire Marshal, sa ilalim ng pangangasiwa ni ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, Acting Provincial Fire Marshal, bilang suporta sa pamumuno ni ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐, Regional Director, BFP Region 6, at sa ilalim ng gabay ni ๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐, Officer-in-Charge ng Bureau of Fire Protection, ay malugod na tumanggap sa mga batang mag-aaral sa preschool at kanilang mga magulang mula sa Sibalom National Child Development Center at District I Child Development Center sa isinagawang Lakbay Bulilit 2026.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga bata ng pagkakataong masilayan at maranasan ang kapaligiran at tungkulin ng isang bumbero. Ipinakilala sa kanila ang iba't ibang kagamitan at kasangkapang ginagamit ng Bureau of Fire Protection sa pagtugon sa mga emerhensiya, ipinasyal sila sa mga fire truck, ipinakita ang wastong paggamit ng mga personal protective equipment (PPE), at binigyan sila ng pagkakataong maranasan ang paggamit ng fire hose nozzle na may aktuwal na presyon ng tubig sa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa ng mga tauhan ng BFP.
Ang ganitong mga programa ay naglalayong palawakin ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng kaligtasan sa sunog at hikayatin silang maging responsable at mapagmatyag sa pag-iwas sa mga insidente ng sunog sa kanilang tahanan at komunidad.
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐:
๐ฑ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
โ๏ธ (๐๐๐) ๐๐๐-๐๐๐๐