Silang Municipal Social Welfare and Development Office

Silang Municipal Social Welfare and Development Office Serbisyong panlipunan para sa bawat Silangueño �

🍚 FOOD ASSISTANCE PROGRAMRICE ASSISTANCE DISTRIBUTION FOR SENIOR CITIZENS, PERSONS WITH DISABILITIES (PWDs), AND SOLO PA...
03/09/2026

🍚 FOOD ASSISTANCE PROGRAM
RICE ASSISTANCE DISTRIBUTION FOR SENIOR CITIZENS, PERSONS WITH DISABILITIES (PWDs), AND SOLO PARENTS

Bilang bahagi ng patuloy na programang pangkalinga ng Municipality of Silang, sa pangunguna ni Mayor Ted Carranza, isasagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang mga Barangay Presidents at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Bayan, ang pamamahagi ng rice assistance para sa mga kwalipikadong Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWDs), at Solo Parents.

Ang mga katuwang na barangay at tanggapan ng Pamahalaang Bayan ay tutulong sa maayos na implementasyon ng programa, kabilang ang crowd and queue management, logistics, security, at iba pang kinakailangang suporta sa distribution sites.

📌 PAANO MAKAKUHA NG RICE ASSISTANCE?

✅ Dalhin at ipakita ang inyong VALID BENEFICIARY ID:
• Senior Citizen ID
• PWD ID
• Solo Parent ID

✅ Ang beneficiary ay bibigyan ng stub batay sa opisyal na distribution list.

✅ Tanging claimant lamang ang papayagang makapasok sa distribution venue upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang pagsisikip.

✅ Kung ang beneficiary ay maaaring mahirapang personal na mag-claim ng kanyang assistance, mariing inirerekomenda na magpadala ng authorized representative.

✅ Para sa authorized representative, kinakailangang dalhin ang valid beneficiary ID ng mismong nakalistang beneficiary, kasama ang iba pang kinakailangang dokumento para sa verification.

📍 MAY PROBLEMA O KATANUNGAN SA PAG-CLAIM?

Magkakaroon ng nakatalagang GRIEVANCE DESK sa distribution area upang tugunan at matulungan ang mga beneficiary na may concern, discrepancy, o iba pang suliranin kaugnay ng kanilang rice assistance.

📌 PARA SA MGA HINDI MAKAKA-CLAIM SA ITINAKDANG ARAW

Ang lahat ng unclaimed rice assistance matapos ang nakatakdang distribution ay maaaring i-claim sa pamamagitan ng kani-kanilang Barangay Federation President, alinsunod sa verification at mga itinakdang patakaran ng programa.

🤝 Hinihiling namin ang inyong buong kooperasyon, pang-unawa, at pagsunod sa mga alituntunin upang maging maayos, mabilis, ligtas, at patas ang pamamahagi ng tulong para sa lahat.

Sama-sama para sa maayos na serbisyo at mas maalagang Silang!







📢 ANNOUNCEMENT | UPLIFT ASSISTANCEAng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) – Silang, sa pakikipagtulu...
02/09/2026

📢 ANNOUNCEMENT | UPLIFT ASSISTANCE

Ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) – Silang, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Silang, ay magsasagawa ng UPLIFT ASSISTANCE para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

📅 September 3, 2026 (Huwebes)
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Patio Medina, Barangay Poblacion II, Silang, Cavite

📌 MAHALAGANG PAALALA:
Bago pumunta sa payout venue, mangyaring pumunta muna sa inyong Barangay upang kunin ang form na ibinaba ng MSWDO Office at pakifill-up-an ito at iproseso ito ayon sa kinakailangang requirements.

📄 MGA DAPAT DALHIN:
✅ Original valid Government ID na inisyu ng pamahalaan at ang pangalan ay dapat tumutugma sa masterlist
✅ Dalawang (2) photocopy ng valid ID
✅ GCash number mo o ng asawa, anak, o pinagkakatiwalaang tao
✅ Form na galing sa Barangay
✅ Sariling ballpen

Paalala: Siguraduhing kumpleto ang inyong requirements upang maging maayos at mabilis ang proseso.

❤️ ❤️ Tuloy ang pagmamahal at serbisyo para sa bawat Silangueño!

15/07/2026
📢 ANUNSYO | 2nd Quarter Birthday Cash Gift Payout Schedule 🎉Mga Lolo, Lola, mga Ka-PWD, at mga Solo Parent ng Silang, ha...
14/06/2026

📢 ANUNSYO | 2nd Quarter Birthday Cash Gift Payout Schedule 🎉

Mga Lolo, Lola, mga Ka-PWD, at mga Solo Parent ng Silang, handa na ba ang inyong ballpen at valid ID? 🖊️😊

Narito na ang kumpletong schedule at venue ng ating 2nd Quarter Birthday Cash Gift Payout. Siguraduhing tingnan ang petsa, oras, at lugar na nakatalaga para sa inyong barangay upang maging maayos at mabilis ang proseso ng payout.

✅ Basahing mabuti ang schedule
✅ Dumating sa tamang oras
✅ Dalhin ang mga kinakailangang requirements
✅ Magdala ng sariling ballpen, tubig, at meryenda

📖 Para sa kumpletong gabay sa payout, pakibasa ang post na ito:
https://www.facebook.com/share/p/1BKPozpXMW/

⏰ Maagang pagdating ay susi, pero tandaan—may nakatakdang oras para sa bawat barangay at uri ng benepisyaryo.

📍 Para sa mga bedridden beneficiaries, makipag-ugnayan sa inyong Barangay President para sa home visit schedule.

Tingnan ang mga larawan sa ibaba para sa kumpletong detalye ng schedule at venue.

💙 Ang MSWDO Silang ay patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng ating mga Senior Citizen, Persons with Disabilities, at Solo Parents.

13/06/2026

Public Service Advisory

Ang mga sumusunod ay opisyal na emergency hotlines ng Bayan ng Silang.
I-save. I-share. I-secure ang pamilya

13/06/2026
📢 ANUNSYO NG SCHEDULE NG PAYOUT 📢Magandang araw!Narito na ang opisyal na schedule ng payout para sa Birthday at Cash Gif...
26/05/2026

📢 ANUNSYO NG SCHEDULE NG PAYOUT 📢

Magandang araw!

Narito na ang opisyal na schedule ng payout para sa Birthday at Cash Gift ng ating mga Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), at Solo Parents para sa 2nd Quarter.

📌 Mangyaring tingnan ang inyong nakatalagang petsa at oras ng payout upang maiwasan ang abala.

📍 Ang venue ng mga susunod na payout ay iaanunsyo isang linggo bago ang itinakdang payout date. Abangan lamang ang updates sa official page ng MSWDO.

📋 Paalala:
✔️ Magdala ng ballpen, sariling tubig, at pagkain.
✔️ Siguraduhing dala ang mga kinakailangang requirements.
✔️ Dumating sa tamang oras ayon sa inyong schedule.
✔️ Para sa bedridden beneficiaries, makipag-ugnayan sa inyong Barangay President para sa Home Visit schedule.

Maraming salamat po! ❤️

Address

New Municipal Building, B**a 1
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Silang Municipal Social Welfare and Development Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share