24/11/2023
Umpisa na ng sa Edukasyon!
Magsisimula na ngayong November 23 (Monday) ang Free Printing Services sa paglulunsad ng ating . Layunin nito na mabawasan ang gastusin ng ating mga estudyante sa pagpapaprint ng iba't ibang academic documents na kinakailangan sa paaralan. Ngayon, libre na ang pagpapa-print ng mga ito para sa ating mga ka-barangay!
Narito ang mga dapat tandaan sa proseso ng pagpapa-print:
👉 Bukas ang ating opisina at magpapatuloy ang mula Lunes hanggang Linggo, 10:00 AM – 6:00 PM.
👉 Tanging mga academic related documents lamang ang maaaring tanggapin ng ating programa (thesis, research, assignment, project, etc.).
👉 I-save ang file gamit ang pdf format.
👉 I-send sa Official page ng SK Anahaw Uno ang file kalakip ang detalyadong file name o maaaring ilagay sa USB.
👉 Hintayin ang aming reply.
👉 Sa pagkuha ng printed papers, magpresenta ng isang Valid o School ID bilang katunayan na residente kayo ng ating Barangay. Tanging mga residente lamang ng Brgy. Anahaw 1 ang maaaring tanggapin ng ating programa.
👉 Kapag handa na, pumunta sa o SK Office, mag-log-in sa ating at makipag-ugnayan sa SK Official upang makuha ang mga printed papers.
Para sa mga katanungan at iba pang detalye, makipag-ugnayan lamang sa ating mga SK Official o hanapin si SK Chairman Neil Buso. Umpisa pa lamang ito ng mga programa natin para sa mas malakas na .