31/10/2023
Pagbati mula sa samahan ng Hiraya ng Acacia para sa mga na ihalal ng sambayanang Acacia, at pagbati para sa lahat ng tumakbo ngayong eleksyong 2023.
Pasasalamat sa aming butihing Kapitana Imelda Soriao, sa aming tagapayo Lou Brinas, at sa mga sumuporta sa'ming pagtindig. Salamat sa aming Kapitana at tagapayo, na bumuo at humubog sa amin.
Mami Imelda, maraming salamat po sa lahat ng bagay na itinuro niyo sa amin. Ate Lou, maraming salamat sa mga gabing walang tulugan para gabayan kami. Sa mga Kagawad ng aming partido Romeo Coligado, Corazon Gabawa, Rodel Oliquino, Ricky Musni, Oya Murillo, Terry Lopez, at Lea Leal, salamat din po sa paggabay sa amin.
At para sa Sk Chairwoman Shakira Mae Coligado at sa mga sk kagawad Ac Bernales, Ferdinand Flores, Angelo Lozano, Paulo Miranda, Gabriel Serbo, Ashley Trinidad, at Zairrel Jan, salamat sa pagtindig.
Hindi man tayo pinalad pero ang samahang na buo na'tin ay walang katumbas, hindi man ito ipinagkaloob ng Panginoon marahil siya ay may mas maganda pang plano para sa atin.
Muli po kami ang Hiraya ng Acacia, mananatiling kikilos, makikinig, at titindig para sa kabataan ng Acacia.