29/08/2026
| ๐๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง, ๐๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐ก๐๐ฐ ๐, ๐๐ฉ๐ข๐ฅ ๐, ๐๐ญ ๐๐ซ๐ ๐ฒ. ๐๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐จ
Patuloy ang relief operations ng Lokal na Pamahalaan ng Silang, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), para sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa Situation Report as of 12:52 PM, August 29, naitala na sa Brgy. Anahaw 1, 19 na pamilya o 86 na indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation center. Habang 7 pamilya o 22 indibidwal naman ang lumikas sa evacuation center sa Covered Court ng Brgy. Ipil 2.
Samantala, nagdala rin ang MSWDO ng relief goods sa Brgy. Biluso upang maipamahagi sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.
Sa pangunguna ni Mayor Ted Carranza, patuloy na nakatutok ang Lokal na Pamahalaan ng Silang sa kalagayan ng mga apektadong Silangueรฑo at sinisiguro ang agarang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.