04/06/2026
🚨PAALALA SA LAHAT NG MGA RESIDENTE 🚨
Mahigpit pong ipinapatupad ng Barangay Sabutan ang tamang pagtatapon ng basura alinsunod sa itinakdang araw at oras ng koleksyon.
Kamakailan lamang ay may nahuling indibidwal na naglabas ng basura sa hindi tamang araw at iskedyul sa pamamagitan ng koordinasyon at pakikipagtulungan ng MENRO at ng Tanggapan ng Punong Barangay.
Ang ganitong paglabag ay hindi lamang nakakadulot ng kalat at masamang amoy, kundi nakaaapekto rin sa kalinisan, kaayusan, at kalusugan ng ating komunidad. Ang mga lalabag ay maaaring maharap sa kaukulang multa at iba pang kaparusang itinakda ng umiiral na ordinansa.
Babala po ito sa lahat: Ang Barangay Sabutan, katuwang ang MENRO, ay patuloy na magsasagawa ng mahigpit na monitoring at pagpapatupad ng mga patakaran sa wastong pamamahala ng basura.
Makiisa po tayo para sa isang malinis, maayos, at disiplinadong komunidad.